<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener("load", function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=12229681&amp;blogName=mga+nakatagong+alibata+sa+itim+na+bag&amp;publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&amp;navbarType=SILVER&amp;layoutType=CLASSIC&amp;searchRoot=http%3A%2F%2Falibataatitimnabag.blogspot.com%2Fsearch&amp;blogLocale=en_US&amp;homepageUrl=http%3A%2F%2Falibataatitimnabag.blogspot.com%2F" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" frameborder="0" height="30px" width="100%" id="navbar-iframe" allowtransparency="true" title="Blogger Navigation and Search"></iframe> <div></div> <body>

Tuesday, December 19, 2006 @2:52 PM

soulmate...

di lang fairy tales at romance novels at films ang nagimbento nito... di lang natin batid na meron talaga...

sino nagsabi? sabi ko... may problema?

@2:49 PM

paano mo sasabihin...

ang mahal kita kung nasabi mo na yun dati... pano mo sasabihin na yung nais mong iparamdam ay maging katulad nung una... pano mo sasabihn ang pagibig na di naman talaga nawala... napakahirap diba? kasi pwedeng di maniwala...

napakahirap... bumabalik na naman tayo sa pagiging hayskul nyan...

patience... kailangan maghintay ng tamang oras...

Saturday, December 02, 2006 @12:47 PM

di kailangan ng title nito...

sigurado naman ako na hindi pa nababasa ung post ko sa ibaba ng talagang tinutukoy ko...

wala lang baka lang naligaw eh

Saturday, November 25, 2006 @4:42 PM

semiotics...

lahat ng gabi masaya... mabagal man ito mabilis... kahit napaka-dull nito... laging may chance for a spectacle... kahit maulap sumisilip parin ang iilan bituin... lahat ng gabi mabagal... pag masaya ka ayaw mo ng matapos ang gabi... pag malungkot ka naman kahit gusto mo ng tapusin ang araw sinasadya ng kapalaran na pagmukhaing mahaba pa ang gugugulin mo sa pagkakamot ng ulo at pagkunot ng noo... maipit ka man sa pagitan ng lungkot at saya ganun pa rin... di ka kasi komportable kaya di ka makatulog... hindi lang ang pisikal na mundo ang lumalaki dahil sa pagasinta ng mga shooting stars sa earth na kung saan ang mga fragments nito ay humahalo na sa lupa... ang daanan mismo ng oras humahaba... minsan pag umatend ka ng debut nagflashback na lahat ng mga alaala mo bago pa man maihanda ang kakainin mo... hindi natin masabi ang hangganan pag oras na ang pinaguusapan... di katulad ng lamesa na nasusukat mo.... ang height ng tao... ang volume ng curve na nirorotate mo sa x and y axis... ang area ng parallelogram... ang oras di mo masabi... pag gumising ako ng alas-otso ng umaga pagdating ng alas-dose ng madaling araw kinabukasan na yun... pero kung di pa ako matutulog tapos na ba ang oras ko? hindi pa naman... kahit nga matulog pa ako tumatakbo pa rin sya... kahit magunaw ang mundo dahil sa isang supernova explosion na di pa naman siguro mangyayari pwera na lang kung danasin ito ng alpha centauri... tatakbo pa rin ang oras... wala syang hangganan... ang ikli kasi ng buhay ng tao... maaabutan ko pa kaya iyon? pero mabuti na rin na maikli ang mga buhay natin... dahil kung sakaling nabubuhay tayo ng hanggang sanlibong taon... gaano karaming tao ang sasaktan mo? ilang kasalanan ang magagawa mo? gaano karaming patawad ang hihingiin mo? kapag iniwan ka ng taong mahal mo at nagpunta na siya sa ibang star... pagbalik nila rito matapos ang daan-daang taon... di mo na siya makikilala... ang maiitim na karagatan hinugasan na ang kanilang mga mukha sa bahid ng pag-ibig, mawawala na ang takot... kawalan... ng pagkakilala sa dating mundo...

maghihintay ka pa ba? nakakatakot na... pero sa dami ng signs sigurado na ako... kumplikado man di man maintindihan... ang mahalaga masaya na ako... pano pa kaya sa araw na yun? gusto ko ng sukatin kung gaano katagal pero di nga natutuos ang panahon sa hinaharap... ikaw na ang bukas ko...

sana ang mga ganitong boses... di lang sya magsilbing iyak sa inyo... katahimikan sa inyong pandama...

Sunday, November 05, 2006 @3:11 PM

paboritong sipi...

ang paborito kong blog entry... na mula sa ibang tao... di ako nagsasawang basahin...

+++++

alam mo? miss na miss na kita...totoo...minsan nga pag nababanggit ka ng mga tao sakin biglang nagfflashback lahat ng mga memories na magkasama tayo. oo... tas may sakit akong nararamdaman. dahil simula nung nangyari yun,nawala na closeness natin. haaaay.... miss ko na yung mga panahon na nagmmsg pako sayo at ikaw din sakin. magsasabi ako ng problema sayo na tanging ikaw lang ang nakakaintindi...ikaw lang ang nakakpagbigay ng maayos na payo. gumagaan pakiramdam ko pag ikaw sinasabihan ko ng mga problema ko sa buhay.minsan naisip ko...sana....... sana....di na lang nangyari yun para hanggang ngayon ay okay pa tayo.di pa nga pala ako nakapagpasalamat sa pagpunta mo sakin nung birthday ko.SALAMAT.kahit na umalis ka na lang bigla dahil tulog pako nun. di nako nakapagbbye sayo. alam kong pagod ka nun. pero hindi mo lang alam kung gano ako natouched dahil dumating ka. totoo yun.naisip ko kasi na nakalimutan mong birthday ko kaya di ko tlga akalain na darating ka. pero naging masaya ang araw na yun dahil dumating ka kasama ng iba.hindi na ako galit. hindi na ako galit sa kahit sino sa inyo.basta lagi mo tandaan na walang nagbago sakin. kung may problema ka...sabihin mo lang sakin dahil ako pa rin yung nanay na makikinig sayo at ikaw pa rin ang anak na lagi kong hahanap-hanapin at iintindihin.kahit nasasaktan ako sa pagkawala nating dalawa.

Thursday, October 26, 2006 @4:19 PM

gitara...

grabe naninibugho ako... lam nyo ba kung bakit?? dahil yung gitara ng parokya ni edgar asa music charts na!! pakshet talaga!! hahaha... ibig sabihin lang nun sisikat na siya... mainstream na... papatugtugin na rin ng kapitbahay namin... ang pinakamalala... panget na siya tugtugin!! kung lahat ng tao alam na yung kanta... ano na lang yung excitement na mararamdaman ng babae pag napakinggan yung itinutugtog sa kanya?! wala na... pakshet talaga....

tsk naaasar ako kasi yun lang ang alam kung tugtugin talaga eh... ung guitar 1 at guitar 2 pati ung adlib... tsk talaga... lam nyo un? dahil sa un lang ang alam ko eh di syempre gusto ko kahit papano konti nalang kaming me alam...

tsk idaan na lang sa gitara...

@4:16 PM

papercut...

una sa lahat ang entry na ito ay ang pinagsama-samang post ko nung mga nakaraan araw...(dahil nga sa pinagbubura ko yung mga nakaraan entries ko dahil sa isang di mapaliwanag na katopakan na sumagi sa utak ko... hahaha mabuti nga at nagawa ko yun bago pa man ako i-add ni jeni sa multiply... haha swerte naman)...

bilang panimula...
grabe yung debut ni gelain... sobrang perpekto talaga... haha yun ay kung ilalagay ko ang sarili ko sa perspektibo ng isang babae... syempre ansarap ng pakiramdam na pinagkakagastusan ka ng mga magulang mo... pinapakita lang nun kung gaano ka nila kamahal... haha di na ininda yung gastos... pero kung sa perspektibo ni gelain... siguro may kulang...(sori ha... nagaassume na naman ako...) kung tama ang teorya ko... kulang ang gabi... kasi isang beses lang mangyayari yun tapos di nya nasulit kasama ang taong pinakaimportante siguro sa kanya sa kasalukuyan... tinanong ko naman siya kung sila na eh... sabi nya inde.. pero ang nagiging basehan ko lang talaga ay ung isang gabi na nakita ko silang magkasama at magkahawak ang kamay... aun basta ang pakiramdam ko nga nun magnanakaw eh... showstealer... grabe bakit kasi ayaw ng mga tao na maniwala na hindi naman talaga ako dapat... nung pilian naman kasi ng escort di ko naman balak na magbigay ng mga sagot na mabenta eh... pero lam nyo un di ko naman mapigilan ang sarili ko dahil sa kabila ng lahat at sa likod ng lahat ng pagpapanggap di pa rin makakaila na meron pa rin yung pakiramdam na gusto ko ako... aminado ako roon... kahit na may pag-aalangan ako sa pagpunta roon... excited pa rin naman talaga ako... kahit taliwas yung mga nagiging sagot ko sa mga tao kung pupunta ba ako... ang totoo ay naghahanda talaga ako... andun yung feeling na kailangan ako ang dapat magningning nung gabing yun... naghanda ako ng itim na pakpak... nagpagawa pa talaga ako ng susuotin... itim nga rin lang... tapos bumili pa ako ng regalo... syempre marami naman kasi akong pera eh... ano ba naman ang pera.. haha... pero natuldukan talaga lahat...

basta ang ibig sabihin ko lang ay.... sori kung nangagaw ako ng ilaw... pero masisisi nyo ba ako at ang mga tao... nilagay nyo ako sa posisyong iyon... ang lumabas(o ang pakiramdam ko) pa tuloy nagsilbing talukbong ako sa lihim nyo... tsk

bilang isang lalaki... saklaw ng aming pananaw na dahil sa kami ang inyong ikalabimpitong sayaw... ibig sabihin lang nun na kayo yung babae na hindi pwedeng maging amin... pero syempre kaakibat nalang nun ang mga alaala na importante pala talaga kami sa inyo...

oo na... tama naman kayo na pinapalaki ko ang isang maliit na isyu... pero masisisi nyo ba ako... tinuruan nyo akong makiramdam eh... wag nyo akong lutuin sa mantikang kayo rin ang may gawa...

sa mga taong kinukulit ko ng ilang araw na.... haha pagpasensyahan nyo na kelangan lang ng kausap... tumatandang paatras eh... tapos humihingi ako ng patawad sa isang tao dyan... lam mo naman kung sino ka eh... ayun sori dahil naging unfaithful ako sa kalagitnaan ng espasyong namamagitan.... di ko lang talaga kayang iwasan eh... lalo pa at marami pa rin akong alinlangan... kahit yung pinakamaliliit na detalye... pinakamaliit na pagkakataon... pinakamaliit na hinayang... pinakamaliit na sugat... sinusubukan ko lang ayusin... paghilumin... palipasan...

sa mundong ito kahit gano kaliit nakakasugat pa rin... lam nyo naman... wala ng imposible sa mundong ito... posible nga isa sa atin alien eh... hahaha!!! inde ang ibig sabihin ko lang... kelangan maging sensitibo.. kung papel nga nakakahiwa... 60/65 nga na tracing paper nakakahiwa eh.... pano pa kaya kayo! haha...

cge tama na gutom na ako eh...

ps... malaki pala kita ng mga pornstars.... haha....;

Wednesday, October 18, 2006 @11:53 PM

takeshi...

nakakapagod ang FR plus ung fab party...
andaming pagsubok na dapat daanan...
daig ko pa ang sumali sa...

takeshi's castle...

-kikomachine

Saturday, October 14, 2006 @9:13 PM

utang na loob lamang loob part 2

last thursday may kakaiba at di inaasahang bagay ang nangyari... bukod sa aming 8 hour-esquisse namin sa arch21 na di ako satisfied sa dinesign ko na studio-laboratory building.... may natuklasan ako... grabe hindi ako handa nung gabing yun sa makikita ko...

wala naman akong lovelife... kasi nakafocus ako sa pagiging architect...

pero di ko nakontrol ang sarili...

pakiramdam ko heartbroken ako ilang araw na...


...........


isa pa... magpapagupit na ako.... para lang di magflunk sa integral calculus... di naman ako bobo sa math... pero kung laging 1 hour before ng test ka lang naghahanda at nagbabasa... syempre alanganin talaga....

ipinapasadiyos ko na lahat... sa lahat ng mga anito inaalay ko ang buhok ko... wag lang ako bumagsak...

tsk badtrip nasira tuloy ang drama

Sunday, March 12, 2006 @9:01 AM

lahat malabo...

pero may isang malinaw... di na ako masaya na kasama kayo...

Monday, February 27, 2006 @4:10 PM

propesiya ng dalawang nagpapanggap na pantas...

Pesmerga Sebastian: nde pa nagrereply
Pesmerga Sebastian: may nasimulan ka na?
tatlong_tuldok: wala pa
Pesmerga Sebastian: ala pa
tatlong_tuldok: tsk
Pesmerga Sebastian: o?
tatlong_tuldok: kelan ba nanalo si pacman ke morales??
BUZZ!!!
Pesmerga Sebastian: anong tsk?
Pesmerga Sebastian: ewan ko
Pesmerga Sebastian: last january
Pesmerga Sebastian: 21?
Pesmerga Sebastian: why?
Pesmerga Sebastian: ILALAGAY MO SA CRITIC MO YUN???
Pesmerga Sebastian: YUNG PARADE???
tatlong_tuldok: inde
tatlong_tuldok: tsk may napansin ka ba
tatlong_tuldok: hahatatlong_tuldok: jan 22 nanalo si pacman
Pesmerga Sebastian: o?
Pesmerga Sebastian: tapos?
tatlong_tuldok: after 13 days
tatlong_tuldok: feb 03?
tatlong_tuldok: leyte landslide tama ba
Pesmerga Sebastian: syet
Pesmerga Sebastian: after 13 days
Pesmerga Sebastian: edsa
Pesmerga Sebastian: ???
tatlong_tuldok: after 13 days feb16
Pesmerga Sebastian: lol
Pesmerga Sebastian: 26
tatlong_tuldok: tama
Pesmerga Sebastian: pala dapat
tatlong_tuldok: ay inde
tatlong_tuldok: ay oo nga maling haka haka
tatlong_tuldok: tsktsk
Pesmerga Sebastian: feb 26 pa
Pesmerga Sebastian: 26 = marines
Pesmerga Sebastian: meron pa din
Pesmerga Sebastian: kahapon yung 26 eh
Pesmerga Sebastian: kelan ba yung wowowee?
tatlong_tuldok: ay oo nga
tatlong_tuldok: ay wowowee muna dapat
Pesmerga Sebastian: edi ibig sabihin
tatlong_tuldok: bago ung landslide
Pesmerga Sebastian: kay pacquiao nagmula ang chain of events na nagdala ng malas sa pinoy?
BUZZ!!!
Pesmerga Sebastian: kelan yung wowowee?
tatlong_tuldok: un ata ung feb 3
tatlong_tuldok: ay inde feb 4 un
tatlong_tuldok: debut ni jeni nun eh
tatlong_tuldok: takte
tatlong_tuldok: jann22 pacman's victory + 13 days = feb4 wowowee
Pesmerga Sebastian: mali?
tatlong_tuldok: feb4 + 13days -= feb17
Pesmerga Sebastian: 4 + 13 = feb 17
tatlong_tuldok: leyte?
Pesmerga Sebastian: wtf happened on feb 17?
tatlong_tuldok: anong date ba ung sa leyte
Pesmerga Sebastian: syet
Pesmerga Sebastian: 17 ata
tatlong_tuldok: tapos feb17 + 13days
tatlong_tuldok: ano un
Pesmerga Sebastian: march
tatlong_tuldok: march 2?
Pesmerga Sebastian: may mangyayari sa march
tatlong_tuldok: anong araw ung 2
tatlong_tuldok: thursday!!!
Pesmerga Sebastian: ewan
Pesmerga Sebastian: syet
tatlong_tuldok: takte
tatlong_tuldok: pag may nangyari pang mahalaga nyan
Pesmerga Sebastian: ngaung huwebes
tatlong_tuldok: pag nagkudeta pa kunwari
Pesmerga Sebastian: kakaba na to
tatlong_tuldok: magiging perpekto teorya natin
Pesmerga Sebastian: lol
Pesmerga Sebastian: baka
Pesmerga Sebastian: syet

-- eto ay isang unedited na conversation namin ng isang ka-arki ko sa ym habang gumagawa kami ng critic sa baywalk... tsk bahala na kung ano mangyari sa march2... tsktsk

-- tsk sabi ni ate kumalat na raw yan sa text... aba malay ba namin... basta naisip lang namin bigla yan... ganun talga kami eh... kung anu-ano napapansin.. kakagawa ng criticisms... tsktsk

gudlak sa pinas... patunay lang na kapag may kasiyahan may kapalit na kasawian... tsktsk

Saturday, February 25, 2006 @7:33 AM

balik-tanaw...

nakakainggit yung mga kakatapos lang magprom sa kisay... sana may prom ulet... prom 3... kahit 2.5 lang... nung third year kasi na prom ay punong-puno ng pagsisi.... bakit nga ba?? basta andaming gustong gawin na napurnada... kasi bata pa ako... at di pa fully-developed ang kakapalan ng mukha.. kasi confident na may next year pa... kaso iba na ang ihip ng hangin... hehe... kaya naman natutunan ko nyan...

wag ipagpabukas ang pwedeng gawin ngayon...

tama naman diba? ang hirap kasi pag may mga bagay kang pinagsisihan... para silang mga multo na akyat-panaog sa hagdan... bumabalik sa gunita sa mga panahong walang ibang bagay na naglalaro sa isip mo...

katuwang ng mga saloobing nabanggit na... marapat lamang na gawin na ang major plate na final plate...ang target ko kasi ay maging bahagi ng exhibit sa march06... kaya ko to... lima lang ang pipiliin... pag nakasama ako punta kayong arki building ha??

bilang pangwakas sabay sabay nalang nating awitin ang lunes ng join the club....

Lunes

Unang araw, kay bilis ng galaw
may kalaliman na patungo sa pag-ayaw
na kalimutan ka kahit pa may iba
at sa muli’y magbabalik sa ‘kin ang lahat

Maaari bang magtanong
dahil labis na rin akong lumalayo

[chorus]
Matatanggap ba akokung magbabalik sa ‘yo
sakit ng sinapit ay please wag ng magtampo
wala man akong nagawa
nung unang ika’y nawala
wala sa hinagap na ako’y mabibigo
wala sa hinagap na ako’y mabibigo

Unang araw, naninibago ka
sa pakiwari ay may katiyakan na
at sa isang iglap mayroong magaganap
at sa muli magbabalik sa ‘kin ang lahat

Maaari bang magtanong
dahil labis na rin akong lumalayo
Matatanggap ba akokung magbabalik sa ‘yo
sakit ng sinapit ay please wag ng magtampo
wala man akong nagawa
nung unang ika’y nawalawala sa hinagap na ako’y mabibigo
wala sa hinagap na ako’y mabibigo

Wag kang magtakapinilit kong magtanong
basta sapat na ang nalaman mo na ako ay narito
wag kang magtaka...
wag kang magtaka...
wag kang magtaka...
wag kang magtaka...

Maaari bang magtanong
dahil labis na rin akong luma….layo

Matatanggap ba ako
kung magbabalik sa ‘yo
sakit ng sinapit ay please wag ng magtampo
wala man akong nagawa
nung unang ika’y nawala
wala sa hinagap na ako’y mabibigo
wala sa hinagap na ako’y mabibigo...

wala sa hinagap na ako’y mabibigo.

--tsk yakapin na ang mga gustong yakapin pag binigyan ng pagkakataon... baka bukas makalawa... tsk--

Monday, February 20, 2006 @11:32 PM

gusto ko lang magpost...

ayun may mga kaibigan lang ako na nagovernyt dito... kung di pa ako malalasing... di ko pa mabibigyan nang pagkakataon ang aking sarili na matulog... hehe

ewan...

biglang naiyak lang ako...

ewan ko nga eh...

tapos hirap na mkita ung monitor...

tapos andami kong naalala...

taps paulit-ulit pang nagpeplay sa utak ko ung lagi kong pinapakinggan nung terd yir...

"parang ayoko na yata... ngunit wla naman akong magagawa.. marahil sobrang alam mong di ko kyang mawala ka... swerte kat... mahal kita... malas talaga..."

ang ewan...

basta ewan talaga...

@11:32 PM

gusto ko lang magpost...

ayun may mga kaibigan lang ako na nagovernyt dito... kung di pa ako malalasing... di ko pa mabibigyan nang pagkakataon ang aking sarili na matulog... hehe

ewan...

biglang naiyak lang ako...

ewan ko nga eh...

tapos hirap na mkita ung monitor...

tapos andami kong naalala...

taps paulit-ulit pang nagpeplay sa utak ko ung lagi kong pinapakinggan nung terd yir...

"parang ayoko na yata... ngunit wla naman akong magagawa.. marahil sobrang alam mong di ko kyang mawala ka... swerte kat... mahal kita... malas talaga..."

ang ewan...

basta ewan talaga...

Monday, February 13, 2006 @10:09 PM

himala..

aba hindi ako abala ngayong gabi... walang binili... walang sinusulat... haha napakapayak ng valentines ko ngayon taon... kaiin nalang ako chocolates bukas!! weeeh!!!

Saturday, February 11, 2006 @1:31 PM

ishtar...

konti na yung mga bituin sa langit ngayon?? siguro nagsabugan na ang marami.... kapangitan na tuloy ng langit... katamad na tuloy tumambay sa bubong... napansin nyo ba yun???

hmm star lang talaga ang tinutukoy ko... ung ishtar kasi ibig sabihin nun ay goddess ng mga babylonians... ishtar of akkad sa morning star... ishtar of erech para sa evening star... eh parehas lang ata ung morning at evening star... bsta ginamit ko lang yan kasi nabulol ako kagabi... haha imbes na is-tar naging ish-tar ang bigkas ko... katuwang kahiya tuloy... hahaha

ayun naaadeek na ako sa strawberry at watermelon shake... ansarap kasii eh dahil maasim...

woooh pagod talaga... pagkatapos ng major plates na sunod sunod... meron ulet bagong set.... sa arch3 ay dalawang plates... bitmap painting... dapat isa lang kaso yung exercise namin basura gawa ko... sobrang minamadali ko na kasi para makalabas na ako... naghihintay kasi si pen ng halos buong araw na yata... soree nay!! sa arch4 dalawang perspectives na lalagyan ng shadow... sa arch16 ay research paper... about up to what extent pwede manguha ng ideas mula sa iba ang mga architects at designers... sa arch 20 dalawang design plates... unng isa miinor plate tungkol sa design ng kitchen... ung isa naman repeat plate dahil tres ako sa design na toilet and bath sa ibaba ng hagdan... ang nagawa ko na ay wala pa... tapos may artstud pa... russian architecture at kelangan ko pa tapusin yung libro at ianalyze ang 6 na simbahan... pano ko ba gagawin ang lahat ng ito... haha may departmental test pa sa math sa wed.. di bale trigo lang naman yun... hahaha

ansaya ng buhay ko... haha... kelangan ko pa bumili ulet ng tracing papers at watercolur papers... iistretch ko pa ung papel kaya madedelay ako ng isang araw sa paggawa... haha sana hawak naming mga arki ang oras.. para di kami nagdudusa... haha

wish upon a ishtar nalang... wakoko

@1:25 PM

madaya ka....

bsta madaya ka.... di ka marunong magpa.... ano kaya yung nakakahiya???.....

haha nakakalito talaga tong blog na to no?? di mo mapagtanto kung sino tinutukoy... hahaha

Monday, February 06, 2006 @4:04 PM

intercontinental ballistic missile...

asteeeg!!! pinaalala sakin ni imir ang konsepto nato... haha na nabuo namin nung kami ay 2nd yir high school pa.... hahaha.... ano ibig sabihin??? bakit ko irereveal??? hahaha sikretong malupet!!

ay siya nga pala nagpapasalamat pala ako ng sobra sobra sa mga sumusunod na tao:
james - dahil kinupkop mo ako dahil wala akong mauuwian... haha
jantoy - dahil sa "sugo" video... asteeeg!! music video naman tayo men!!
anna - dahil sa pakikinig sakiin nung friday at pagsama sa pagbilii ng damit
imma - dahil sa pagsama sakin sa pagpili ng damit, pagbili ng regalo, pagpapaayos ng buhok at sa bowling.. laro ulet tayo sa susunod pero dapat talunin mo na ako.... hahaha
pareng jeni - dahil binigyan mo ako ng uno sa aking plate... mag-aral ka na ulet magpinta... hahahaha salamat din nung debut

hahahaha!!! saturday sunday monday... wala ako sa sarili.... kaya eto nagcacram sa plates.... palpak talaga tayo dean... hehe

@3:56 PM

samurai kuno hair minus 3 inches = trojan hair again...

kamiss magtali ng buhok... hahahaha.... kelangan pa maghintay ng 2 months pa... antagal!!! hahaha di ako nakapagcelebrate ng aking one year no haircut policy... kung di lang [1]importanteng okasyon [2]mahalagang tao [3] nakramdam ng hiya at [4]natakot sa taong tumatawag sakin na smurf eh di inde sana ako ngpagupit... hahaha... pero kahit papano nranasan ko na magkaroon ng straight na buhok for a day... hahaha...

ano naman kaya sa sunod.... jedi hair naman sa december hahahaha!!!! trojan hair humayo ka at magpahaba1!!! hahaha

Saturday, January 28, 2006 @9:07 PM

aanhin pa ang unlimited na load.... kung wala namang matinong nagrereply.... mas malala wala talagang nagrereply....

hahahaha.... lang kwentang celepono... hahahaha.... tama gumawa ka nalang ng plates dean.... hahahaha.... walang npapala sa pagtetext eh.... di ka makakahanap ng comfort.... stress lang.... hahahaha

pero may matiino pa rin naman akong nagawa ngayong araw.... na-analyze naming apat ang edsa shang kanina.... haha hirap maging soon to be architect.... nakakabaog.... ang masaya nagtatalo kami sa loob ng mall.... hehe kala ng mga tao.... nag-aaway kami....

kabuang gid!!

Friday, January 27, 2006 @6:56 PM

tama...

kala ko kaw na ang gumuguhit sa dibuho ng buhay ko.... ayun pala mula simula mag-isa ko paring hinahawakan ang bagong tasa na hb na lapis.... konting shade para mukhang miserable.... aalisan ko ng light source para di tanaw... para di nakakailang mag-isa.... baka sa gitna ng dilim.... may isa pa akong kasama na naghihintay ng karamay....

antaray no?! moment boy ng arki!!! hahahaha

@6:47 PM

bakit nga ba?...

marami akong tanong... para akong paslit na inutusang bumili ng suka... di batid kung saan bibili....

sino si tot?...............

parang si ako na hindi si ako.......

hindi ako yun kasi sabi ngayon lang nagbasa ng blog....

ako yun kasi sabi manhid daw....

hindi ako yun kasi pag seryoso raw nagiingles.....

ako yun kasi di raw marunong umintindi......

si ako ba yun?.... osi isa pang si ako.... baka si ikaw...... baka si siya...

ay ewan...

walang makakaintindi nito....

@6:30 PM

dont worry theres no sugar

Burn Out
Sugarfree

Oh wag kang tumingin ng ganyan sa akin
Wag mo akong kulitin
Wag mo akong tanungin
Dahil katulad mo
Ako rin ay nagbago
Di na tayo tulad ng dati
Kaybilis ng sandali
Chorus:Oh katagal din kitang minahal 2x....
Kung iisipin mo
Di nman dati ganito
Teka muna
Teka lng
Kelan tayo nailang
Kung iisipin mo
Oh di naman dati ganito
Kaybilis kc ng buhay
Pati tayo natangay...
(repeat chorus)
Ohhh2x...Yeh3x...
Tinatawag kita
Sinusuyo kita
Di mo man marinig
Di mo man madama
Oh katagal din kitang mamahalin......


Kwentuhan
Sugarfree

Kanina pa tayo magkasama umaga na pala
Maya-maya lang ay may araw na
Kahit tayo’y pagod buong mundo ay tulog
Ikaw at ako dere-deretso lang na walang pakialam
Kwentuhan lang wala namang masama
Puro usap lang ibaon mo na sa limot ang lungkot
Tatawa tayo sabay seryoso unti-unti kang nakikilala
Ang sarap-sarap mo palang kasama
Dati kasi tahimik ka lang palagi ngunit ngayong gabi
Parang kay rami-rami mo nang sinabi
Kwentuhan lang wala namang masama
Puro usap lang dahil gusto kitang makilala.,, makasama.,,makasama.,,makasama.,,makasama…,,,
Umaga na tulog ka na ang himbing mong
Managinip ang sarap-sarap mong umidlip
Uwi na kaya ako o dito muna siguro
Samahan kita dahil parang ayaw mong mag-isa
Samahan ka, wala namang masama
Samahan ka hanggang lungkot ko’y makatulog din


Telepono
Sugarfree

Natatandaan mo ba kagabi
Apat na oras tayong nagbabad sa telepono
Inabutan na tayo ng umaga no'n
Ngunit bakit ngayon, malamig ka bigla
Magdamag na sa tabi mo, wala man lang "hello"
Hello, hello, hello
Naririnig mo pa ba ako?
Kung wala na tayo sa telepono'
Pag nandito na tayo sa tunay na mundo
Hello, 'di na kita naiintindihan
Malabo na ba ang linya sa ating dalawa
Hello, gising ka pa kaya?
Hello, nahihilo na ako sa 'yo
Tuwing gabi 'pag nagriring ang telepono
Ikaw ang naiisip ko
Tumawag ka, tumawag ka
O, please tumawag ka naman
Dahil kailangan lang marinig ang boses mo
O, ngayong gabi, managinip
Managinip ulit tayo sa sarili nating mundo


fade away
sugarfree

Don't you ever wonder where all your happy thoughts have gone?
In case you don't remember, we were Peter Pans for a day
You say it’s all in a day's work, but days will turn into weeks
And on an on, we go 'til we just forget, we forget
There goes your world on a train
Catch it cause it’s making its last trip
Time don’t take it away
Don’t take it away
Don’t take it all away
When we move to the left, then we move to the right
Forward and then backward 'til the moment's gone we all fade
Spin around we don’t make a sound time keeps moving on
Until your moment’s gone, we all fade away
We can’t be young forever, but that’s what old men sayJust try and remember we were John and Wendy yesterday
There goes your world on a train
Catch it 'cause it’s making its last trip
Time don’t tale it away
Don’t take it away
Don’t take it all away
When we move to the left, then we move to the right
Forward and then backward 'til the moment's gone we all fade away


Mariposa
Sugarfree

Alam mo bang kanina pa ako magdamag nang nakatingin sa 'yo'
Di mo lang alam, sa gitna ng kadilimang 'di mapakali, ako’y nabighani
'Di mo lang alam, inaasamAng panahong makapiling ka sa una't huling pagkakataon
Dahil dito sa mariposa ay mahirap ang nag-iisaDahil dito sa mariposa ako lang ata ang nag-iisa
Nagsisising matatapos ang gabing alam naman nating meron nang taningNagsisising gigising sa katotohanan 'di ka naman talaga akin
Ayoko nang mag-isa


unang araw
sugarfree

Sadya ba talagang ganyan
Palakad-lakad ka't nakatungo
Sa'n patungo?
Ngayong wala ka na
Kailangang masanay na muling nag-iisa
Sa'n ka na kaya?
'Wag mo akong sisihin
Kung minsan ikay hanapin/kung minsan akong iyakin
Ito ang unang araw na wala ka naIto ang unang araw na wala ka na
Nasanay lang sigurong nand'yan ka
'Di ko inakalang pwede kang mawala
'Yan na nga
ababato, nalulungkot
Luha'y napapawi ng singhot
At talukbong ng kumot

hintay
sugarfree

Mabilis ang ikot ng mundo
Sa kakasabay nahihilo ako
Isang hakbang sa limang patlang
May panahon, pagkakataong
REFRAINNawawala kapag di hinawakan
Dudulas kapag di iningatan, hoy, hoy, hoy, hoy
CHORUSHintay, hintayin mo ako
Mahirap nang maiwan dito
Hintay, hintayin ako
Dahan dahan lang hoy
Mabilis ang galaw ng oras
Sa kakasabay nauubos ang lakasBilis na mahirap sabayan
Kung may panahon, pagkakataong
[Repeat REFRAIN]

Thursday, January 19, 2006 @9:44 PM

whatever...

baket ba natin tinatangkilik ang mga palabas tulad ng whatever things, jackass, viva la bam etc. haha baket nga ba? kasi nakakatawa at nakakatuwa.... ansarap panoorin ang mga katripan sa buhay... kapag nakakapanood ka ng ganito parang ansarap din gawin.... pero mali ito maling mali.... ironic ang konseptong pinapakita ng mga palabas na ito.... halimbawa magkakarerahan lang sila sakay ang kalabaw.... tapos nagtatawanan sila kapag nalalaglag sila... mas malala kapag sa jebs pa sila nalaglag... haha... oo nga masaya panoorin ang stupidity ng iba... pero ayun lang ba yun... ironic sya kasi humuhugot sila ng kalokohan sa isang gawain na seryosong hanapbuhay ng isang maliit na magsasaka sa isang third world country... ironic sya kasi sa paggawa nila ng kalokohan na nonsense naman kumikita sila ng malaki kasi maraming tangang mga tao ang tumatangkilik dito samantalang ang isang magsasaka na gagawa nito ay maliit lang ang kinikita sa isang kayod kalabaw sa araw-araw... ironic to kasi kapag nalalaglag sila sa jebs.. o mas simple nalang na maexpose ang mga whites na ito sa isang lugar na third world nagpapabakuna na sila ng panlaban sa bacteria at sakit samantalang sa bawat araw na ginawa ng diyos ay kasama na ito ng mga magsassaka sa kabuhayan nila... (pati nga mga misyonero na pumupunta ng payatas, pupunta rito ang magbibigay tulong dahil daw nakakaawa ang kalagayan sa buhay, pero pagkatapos papabakuna...).... oo masaya talaga makakita ng stupid things.... dahil di ko naman makakaila na ginagawa ko rin yun... pero hanggang dun lang yun... di na dapat humantong sa ganito... takteng kulturang popular ito... kinocorrupt ang ating mga isipan... kesa magisip lalo lang tayo na nagiging passive... tatawa ako ngayon para makalimot sa hirap ng buhay ko... mamaya ko na iisipin ulet yan.... grabeng mentalidad.... magBLOOm na tayo mga meeeen!!!!!!!!

@8:43 PM

jeepney...

bago ang lahat ano ang tagalog ng jeepney??? di ko batid eh...

hmm baket ba may kabayo sa harap ng dyip? sabi ni bob ong simbolismo raw ito ng isang modernong kalesa... pinagmamalaki natin ang ating mga dyip... dahil kakikitaan ito ng ating kultura pati na rin ng sining... at hindi lang basta sining kundi folk art pa... kahit na inde naman ito orihinal na atin... galing kasi ito sa dyip na dinala rito ng mga GI Joes.... pero binago natin ang anyo natin...we made it uniquely our own... ang dyip ay parang sculpture... isang neo-dada na sculpture... assemblage art dahil kung anu-ano ang pinagsasama sama natin para mabuo to... kung ano ang mahalungkot sa garahe o bodega... importanteng salik na to sa paglikha ng isang obra..... bawat bahagi may nakadikit... di pinatawad (pero ngayon bihira na ata to eh).... may stickers... ung iba neon pa... hawig sa sarimanok....ung iba naman "basta driver sweeet lover" tapos may seksing babae na nakapose na medyo mahalay... may mga nakakatawa ka pang makikita tulad ng "god knows hudas not pay." "full the string to stop" haha... kaya raw natin pinupuno ng mga disenyo ang ating mga dyip dahil natural daw sa kultura natin ang matakot sa spaces... di raw tayo mapakali pag may espasyo(nga ba?? parang inde)... haha pero eto lang ung mga karaniwan na madaling mapansin sa jeep... meron pang iba... basahin natin ang mga siimbolo... lagyan natin ng interpretasyon..

(ohhh shet only you na!!! sandali lang) haha commercial na kaya eto na... anu-ano ba ang makikita sa dyip??? (1) pagkatao ng driver - sa pamamagitan ng music o istasyon ng radyo na pinapakinggan niya... waah wala na ako maisip (2) relasyon drayber-pasahero - (haha umiiyak na naman si jonathan!! wakeke) sa tingin ko mas may kapangyarihan ang drayber dahil sila ang may hawak ng pera, nasa harapan siya at siya ang nagdedesisyon kung saan ibababa ang pasahero (3) ang lihim na kakayahan ng dyip na ineutralize ang mga tao... nababalewala ang social class, gender at edad... kapag nasa loob ng dyip wala kang buong laya na piliin ang pwesto mo... wala kang teritoryo na maaari mong angkinin at ideklarang bawal itong salangin... isa pa pag masikip na di mo maiiwasan na makaharap ang mga taong kasama mo... kahit anong iwas ng ulo mo paharap sa labas mapipilitan ka rin na tignan ang mga kasamahan mo.. (4) weak vs strong - haha isa ito kahanga-hangang obserbasyon... dahil di yata ito napapansin ng nakakarami... oo nga at di madaling umangkin ng teritoryo sa dyip... pero agaw-pansin ang mga taong pamacho effect... kahit sa dyip pinapakita nila ang lakas nila... kung sino ang malakas siya ang nakakabukaka kahit na sa mga sitwasyon na siksikan na... samantalang ang mga maliliit ang mahihina silang ung napipilitan sumiksik... masyado silang napupwersa ng malalakas na manahimik... wala kang magagawa eh sa mahina ka eh... (5) baket mas gusto ng mga tao na umupo sa harap? - (ambobo ni tj parang ako... masyadong prangka.. tapos di na nagiisip) ayun sa tingin ko kaya masaya sa harap dahil una, praktikal na rason, mas madaling magbayad at mas madaling magpara at pangalawa ang pakiramdam na mas mataas ka sa iba na nasa loob... dahil nga na naneutralize ng dyip ang katayuan sa buhay... kaya naman nagiging mas espesyal ang katayuan ng mga nakaupo sa harap... hahaha wala na akong maisip...

asteeeg na trip to... ganito talaga mga oti... lahat pinapansin.. haha kaya pag tahimik ako... un na yun nagdedecode na....

pero di ko sinasabi na tama ang mga sinabi ko... opinyon ko lang to... kung gusto nyo gumawa kayo ng sa inyo... haha beh!!!

@8:37 PM

daily vitamins....

whooo!!! nakikita ko na pala si han chae-young from monday hanggang sunday... asteeeg!!! meEEEeeen!!! bat ganun yung only you sobrang drama... tapos kung magsalita si tj parang ako.... hahahahaha.... purong kasamaan!!! sinisearch pa sa net ang mga paraan ng pagaalaga ng bata... hahaha... binubuhay ng mga salita ng iba... cge tama ka... ke jonathan nga siya dapat mapunta... hahaha.... pero mukha parin syang oti... beeeH!!!!!!

Tuesday, January 10, 2006 @6:59 PM

malimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimalimali....

andami ko namang pagkakamali... kasi si datu tao lang... inde diyos... kaya itama nyo kung may mali siyang ginagawa... hindi yung pag patong-patong na saka pinapamukha sakin... malay ko ba diba?

gaano pa kaya karami ang gagawin ko bukas?

hungkag!! palasak na talaga sa akin ang magkamali...






Saturday, December 31, 2005 @1:24 AM

"nangangahulugan ang pagiging buhay nang paggapang mo bawat segundo patungong kamatayan..."

takte... pag narinig mo ito sa isang bata... at syempre sinuway mo... mabibigla ka kanyang isasagot...

"eh kuya ikaw nagsabi nyan nung tuesday eh!"

malala ka na dean... sinisira mo ang murang kaisapan ng mga kabataan... haaay

Thursday, December 29, 2005 @9:03 PM

the least i can do is to send my distant prayers over the wind of time, setting sail on dreams...

hihi... pag walang load wala ring nagtetext sayo... haha buti kung may makaalala...

Sunday, December 25, 2005 @9:27 AM

ang ispirito ng vodka...

grabe sa sobrang wala akong magawa ng bahay... naisipan kong bigla ang magsimba... hahaha pero tulad ng dati ganun pa rin ang mga tao roon... nagkekwentuhan lang at di naman talaga nakikinig sa pari... hahaha.... saktong 12 natapos yung misa kaya ayun sabay na ng celebration ng pasko... ang una mo dapat gawin ay tumingin sa langit at dapat ang una mong makitang star cluster ay siyang magiging basehan ng iyong wish... hehe kaya dpat kabisaduhin na palage ang lugar ng orions belt "tito, vic and joey" at ng pleiades "7 sisters." combo kasi yun... di naman siya effective... yun ay para lang may magawa ka... semiotics... gusto mo lang lagyan ng kahulugan ang sign na nakikita mo... hehe... pero ang pinakamatinding nangyari ay.... NALASING AKO!!! hahaha....tinira kasi namin ung vodka... grabe 40%... at inde tikim ang ginawa ko... uminom talaga ako... halos ako na yung umubos ng vodka... ang hina ng mga kasama ko eh.... pero antindi ng epekto... tagilid na lakad + nagkekwento ng kung anu-ano + nahihilo + nakikita mong dalawa yung buwan + majijingle ng madalas + iinit ang malamig na pasko mo + nagiging vocalist ka ng isang rock band... haha... nagkekwento na nga raw ako ng tungkol sa lumulubog na barko eh... labo... nalasing si dean... hehe pero asteeg... kasi masaya...

"bulong ng puso" - la lang... gusto ko lang sabihin... hehe di ko maalala na ginamit ko to...

sana tuloy tuloy na to... ang mga nawalay muling natatagpuan ang liwanag ng pagkakaibigan... beh!!! dami mong alam dean!! lasing ka nga talaga...

ps.. salamat pala kay aleth... sensya sa paghihintay... natagalan pa kami eh... beh!! regalo ko ha??

maligayang malamig na pasko sa inyong lahat!!!

Saturday, December 24, 2005 @6:09 PM

r u 1 of us??

kung malamig din ang inyong pasko... tag na kayo rito... beeeh!!! maligayang malamig na pasko senyong lahat!!! hahaha

Tuesday, December 20, 2005 @6:49 PM

torture...

torture... isang paghihirap ang araw na ito.. di talaga ako nakatulog ng matino... kasi ansakit ng ulo+ilong+leeg+likod ko... nung nagyaya na yung kapatid ko na kumain na... gusto ko na talaga bumangon kaso ambigat ng katawan ko.. ansakeet naman kasi talaga... tapos sabi pupunta raw kami ng mall para magshopping... okei eto na yung tamang panahon para pakyawin ang mga damit sa artwork... madadagdagan na naman ang koleksyon ko!! haha... kaso ang hirap talaga... gumalaw... tipong kakain ka lang nauubusan ka na ng lakas.... ganun din sa pagligo...

nung asa mall na kami... takte hinang hina na ako... andami pa nung pinapasukat sakin na mga damit at pantalon... kaya ang ginawa ko... lahat ng sinukat ko binili ko na... para mabilis... parang di ko na sinusukat... umaapaw na ang damit ko ngayon... haaay pero masakit parin ang katawan ko...

pag uwi ng bahay... nagpamasahe ako sa utol ko sa halagang 1oras na dota... haha... kahit papano napawi ng kaunti..

salamat nga pala kay joy dahil siya yung nakakausap ko nung di ako makatulog... at siya rin yung nagtuturo ng dapat kong gawin.... haha iba parin talaga ang mgay kausap na smart... unlimited... hahaha

ang oti ni gelain... nagmiscol kahapon... tapos nung tinanong ko kung bakit di naman nagrereply... at kahit kelan di sya talaga nagrereply... no kaya problema nun???

hmmm di na pala original tong datu bracelet na to... kasi nawala ng utol ko yung orig... nung minsang pinakealaman nya yung box ko... kaya eto pinalitan nila ng aking ama... asteeeg!! namis ko to meeen!!

mukha na akong shikamaru ngayon... natatali ko na ang buhok ko ng 45 degrees... hahahaha.... asteeeg.... ilang buwan pa... hahahaha.... pag nakita ko na yung pinakaaasam ko... magpapagupit na ako..

haha.... torture ang araw na to dahil andami pinapagawa sa akin... di kasi alam ng mga tao na naaksidente ako sa ice skating... haha.... di rin naman nila batid na nagice skating ako... hahahaha....

bowling!!! bakeet di ako naka-strike kahapon? sa celebrity club andaming beses ko nagagawa yun... siguro dahil may injury ako... at wala na talaga ako sa balanse ko... haha... nagpapanggap lang ako... kaya nga di na ako nag-exceed imma kasi tutumba talaga ako....

hahaaha.... ibang buhay na naman...i am moving at the speed of life!!!!!

mahirap makahanap ng mga kaibigan.. magkakaibigan kayo pag nagkakaintindihan kayo... eh dahil sa sinabihan nyo na di ko naman kayo naiintindihan... baka di na ako sapat na tawaging kaibigan... sabagay sila naman yung nakakaintindi senyo... kayo nalang siguro muna ang magsamasama...

basta tinuring ko kayong kaibigan dahil sobrang dami ng pinagsamahan natin... at pinaglaanan ko pa kayo ng mga sakripisyo.. magkakaibang tao tayo kaya magkakaiba rin ang ating pagintindi sa maraming bagay... sinasabi ko kung ano ang naiisip ko... ginagawa ko kung ano ang bulong ng puso ko... may kalayaan tayo...

basta anlamig ng paskong ito... kung inde pa kami nagice skating... magiging delubyo na ito...

torturetorture.... "hindi ako makasabay, sabay sa hangin ng aking buhay!"

Monday, December 19, 2005 @9:00 PM

ang kahalagahan ng zamboni...

ay teka di ako sigurado sa terminong zamboni... ayan ata yung tawag dun sa sasakyan na umiikot sa skating rink para maging safe ata... di ko lang sigurado... nakasulat kasi "zamboni is under maintainance"

haay... dito nagsimula ang kasaklapan ko...

sumemplang ako kanina... bumagsak ang katawan ko sa yelo... dahil sa gravity at mahinang friction... ay hinde dahil basa ang rink... at eto ay napakadelikado sa mga beginners na tulad ko... na ang tanging alam ay ang left-right-left-right glide forever.... haaay.... papaliko na ako nun ng biglang naramdaman kong inde kumapit ang skates sa yelo... dahil sa tubig!!! ayun bagsak sa sahig... ang masama pa roon may injury ako...

sa mga kaibigan kong kasama ko kanina... pasensya dahil nagsinungaling ako senyo... dahil di talaga tuhod ang tumama sa ulo ko na nagdulot ng aking bukol... sa totoo... humampas talaga ng napakalakas ang aking ulo sa yelo... takte ansaaakeeet!!! haay masakit talaga... nakita nyo naman siguro... andaming sugat... haaay... me pasa pa na ngayong gabi ko lang nakita... masama na talaga ang lagay ko kanina eh... medyo wala na ako sa balanse ko... nagpapanggap lang ako dahil ayaw ko na mag-alala kayo sa akin... at baka dahil doon maudlot ang masayang pag-iiceskating natin... kaya ayun... ngayong gabi masakit na talaga... lakas ko magpanggap kasi andun ang pare ko kanina... haay... karaniwang ugali ng mga lalake... ayaw mapahiya sa mga piling tao...

syeeet!! ansakeet na talaga ng ulo ko... takte baka mamatay ako nito.... hahahaha...joke lang.... di naman ako mamatay....pero masakit talaga...

ang sakit natitiis kahit 3 oras pa... okei lang naman antagal ko ng inde napipinsalaan sa panlabas na katauhan...

ahoy! pahinga muna sa bahay.... yelo na ang pinanggalingan yelo ulet ang nakadampi sa ulo ko...

pakshet na buhay to...

Saturday, December 17, 2005 @10:20 PM

salamat sa aking butihing ama ko at binuhay nya ang aking datu bracelet... salamat itay!! hahahaha

Sunday, December 11, 2005 @10:21 PM

only you...

ngayon ko lang tatangkilikin ang cheap na channel two... haha... dahil kay han chae-young ng only you... nakana!!! inspirasyon na naman ba? haha ienjoy ang buhay!!! walang nagbabawal satin para maging masaya... lam kong may kapalit tong kalungkutan... pero kaya ko namang kainin ang sakit eh... hahahaha...

eto ang...

secret ninja technique huhahuuu!!!!

@10:12 PM

secret ninja technique huhahuuu....

sa halagang 20 pesos napanood ako ng naruto marathon... sa halagang 20 sumakit ang paa at likod ko... sa halagang 20 nakapaglaro ako ng dota.... haha.... at sa halagang 20 pesos... yun yung pamasahe na binayad ko nung december 9, 2004!!! haha grabe ka dani naalala mo pa yun??? di ko na nga maalala yun eh... pero yung december 10, 2001 naalala ko pa ang sagradong araw ng pagkakabuo ng anim na sagradong mga salita... hahahaha..... wala lang... magpapasalamat lang... dani salamat pala...

nagpapatunay lang na may mga araw talaga na inde makakalimutan... may mga araw na mukhang pangkaraniwan lang sa iba pero sa iba namin ay napakaespesyal at mahalaga... hehe... may mga salik talaga na nagmamanipula sa mga bagay sa mundo...

ewan...

alcohol alcohol buhay koy buhol buhol!!!

@10:12 PM

secret ninja technique huhahuuu....

sa halagang 20 pesos napanood ako ng naruto marathon... sa halagang 20 sumakit ang paa at likod ko... sa halagang 20 nakapaglaro ako ng dota.... haha.... at sa halagang 20 pesos... yun yung pamasahe na binayad ko nung december 9, 2004!!! haha grabe ka dani naalala mo pa yun??? di ko na nga maalala yun eh... pero yung december 10, 2001 naalala ko pa ang sagradong araw ng pagkakabuo ng anim na sagradong mga salita... hahahaha..... wala lang... magpapasalamat lang... dani salamat pala...

nagpapatunay lang na may mga araw talaga na inde makakalimutan... may mga araw na mukhang pangkaraniwan lang sa iba pero sa iba namin ay napakaespesyal at mahalaga... hehe... may mga salik talaga na nagmamanipula sa mga bagay sa mundo...

ewan...

@10:04 PM

sumayaw sa higanteng niyebera...

sobrang nakakapagod at napakasaya ng kaarawan ni imma... niyaya ko lang sya na mag-ice skating.. natuloy na kagad... wala ng marami pang paliwanag... haha... asteeg!! ansaya talaga... naglabasan pa ng pinakatatagong mga sikreto... hehe

imma maraming salamat!!! ice skating tayo ulet!!!

sobrang excited na ko sa christmas party sa fri.... kisay 05 diliman... asteeeeg tayo!! kasi may party tayo!!! haha

Saturday, December 03, 2005 @10:43 PM

miss g

pagaling po kayo... gagawan pa po kita ng bahay...

@10:37 PM

napakasakit kuya eddie...

patay na talaga si eddie guerrero.... paalam na sa frog splash.... paalam na sa viva la raza...

Thursday, December 01, 2005 @9:45 PM

Leonid's Family Reunion..

Leonid hears the knock on the door,
Puts the final touches on the potato salad.
It's Antropov, bearing a casserole,
He beams and shakes a sun-warm hand:
Mikhailovich, it's good to see you.
It's funny how quickly habits can be learned
He thinks, as the coats swell up in the closet.
Hundreds of slim, luminescent gentlemen
All talking about the weather.
Markov is holding court by the punchbowl:
He chose to go into politics.
The papers called his rise meteoric,
And everyone had a good laugh.
It's a pleasant, star-bright afternoon:
Generations mingle and whisper in tongues.
Leonid is a good host, a busy host.
He has no time to feel alone.
No time to think: wife, mother, aunt, family
Child.
When the crowds of relatives take flight again
He washes the dishes and sits on the porch
Binoculars in hand, staring at the sky.
Beams of light, sparks of light, shooting into the
atmosphere.
They say it's burning gas.
It has been three years since he himself fell.
Every night he takes his coffee outside.
Maybe if he waits long enough
A pitted, ironhard chunk of metal-rock
Will fall into his backyard.
Maybe it will split, cocoonlike, into dust
And birth a boy, a glowing boy,
A boy with a Russian nose.
Then he could smile, and shake his hand
Leonid Mikhailovich the Second.
Teach him how to keep the glowing down,
Fix his lunch and read him bedtime stories:
Once there was a man who came from the stars.

salamat leah bobet...

@9:15 PM

I learned how to die the first day I went in...
After that, I went in alone...

@8:54 PM

latebloomer...

eto ang word for the day namin ng mga ka-arki ko na si james at si don...
consuelo de bobo...
nakakademoralize ang gawa ng mga kaklase namin...
mas mahal ang paintbrush ko...
dalawa ang prang professional watercolours ko...
may mixing palette ako...
at mas mahal ang watercolour paper ko...
pero panis pa rin ako...
ay inde kami pala...

sabi ko nga pagtapos ng 2nd year at inde pa rin ako magaling...
urong na...
di na kaya...

nasabi ko nalang sa kanila na..
"latebloomer tayo eh... ang bida nagpapabugbog sa simula... pagtapos ng christmas break sasambahin nila ang paintings natin... uulanan tayo ng uno..."
haha patawa... pano ko kaya gagawin yun?
asa ka dean... pinanganak na silang mahusay...

magwiwindwalk na lang ako...
tatakasan ko kayo...
di nyo ko makikita...

haha.. mali ang iyong sapantaha
mapusyaw ang kulay pula...

Wednesday, November 30, 2005 @2:05 PM

alethea carampel...

saLamat aleth!!! wag ka na magtext ke ate.... eto yung number ko... 09207395037

hehe.... nood tayo ng sepharad... o dili kaya mag ice skating tayo...

tinging nyo.... dota nalang okei rin... oi jantoy hatak ka na ng kalaro natin...

hahahaha.... i-give up na ang lahat para bigyang daan ang makakapagpasaya sayo dean...

hahahaha.... masyado mo kasing iniisip ang kapakanan ng iba...

di naman nila iniisip ang sayo...

hahahaha

@1:54 PM

burnout....

"o kay tagal din kitang minahal..." -sugarfree

haha... pero di related sa pag-ibig ang post na to... trip ko lang...

sa wakas may inspirasyon ako kagabi... bukod sa dota naging inspirasyon ko rin ang eraserheads... kagabi yun sa jam88.3... live yun sa up theatre eh... tinugtog ng ibat-ibang banda ang mga kanta ng eraserheads... ULTRAELECTROMAGNETICJAM!!!... tapos nawirduhan ako sa part na pinagusapan nila kung bakit ba silang nawala... ganito ang sabi nila...

"para kasi kaming laging may kasamang girlfriend kahit san ka magpunta... ang pagkakamali namin dapat nagkaroon kami ng break... inde yung ilang taon sunod sunod ang ginawa naming mga kanta at album... ayun naburnout kami.. nagkasawaan kami..."

may lesson dyan eh... haha.... aral na para sa lahat ng masa....

sa mga di ko pala narereplyan sensya ala akong load... uki?

Tuesday, November 22, 2005 @7:25 PM

kamalasan series...

lahat ng kamalasan ay nagsama-sama ngayong linggong ito...

1. nagalit/nagtampo si pen noong kanyang kaarawan
2. umiyak/naglabas ng sama ng loob/malabo si avir noong kanyang kaarawan
3. nagtampo/nagpataw ng parusa ang aking inay sa pagliban ko sa bday celebration nya
4. napagkamalan akong magnanakaw sa national bookstore... hinalughog ng sekyu ang aking bag sa harap ng maraming tao.. kakahiya
5. nauubos na ang pera ko
6. di ko makukuha yung scholarship ko
7. sinipon ako dahil natulog ako sa klase ni prof. villan ng kas1
8. after ng sipon mukhang lalagnatin na ako mamaya

kaya ko pa!!! dagdagan nyo pa bukaaaaas.....

Saturday, November 19, 2005 @2:29 PM

pugna oblivion lv1...

para syang isang itim na anghel... bagay na bagay na alter ego... pagmamasdan mo ang lahat ng uri ng kalungkutan at siphayo na maaari mong isipin sa araw-araw... wala kang makikitang ganitong trabaho sa kahit anong classified ads... dahil di ito madali... di sila pinipili... nakatadhana kang maging ganito...

at bukod sa pagmamasid....

tuturuan ka nya magsalita...

at kapag marunong ka ng gamitin ang mga labi mo...

saka naman nya pagaaralan ang manahimik...

at mamuhay mag-isa...

@1:56 PM

salipawpaw...

andami ko namang problema ngayon... ginusto ko lang naman na maging masaya kayo... saan kaya ako nagkamali? haay.. nakakadepress ang week na to... gastos + pagod + sakripisyo + galit.... haaay.... dalawang ina ang napalayo sakin ngayon... yung isa mahabang kwento... pero kasalanan ko rin naman yun.... nakakaguilty talaga at wala na kong mukhang maihaharap... sayang ang sakripisyo dapat nagpakatino ako... kasalanan ko yun.. kung di ako nagovernight eh di dapat di nagkayayaan...haaay tapos etong friday naman... ginawa ko naman lahat... strike two inabot ko... di man lang naappreciate... tinipon ko pa naman ang lb boys... kesa magcelebrate mag-isa... haaay.... pinagpalit ko pa ang celebration ni nanay sa bday nya... anong napala?... wala... bwiset na pagsasakripisyo yan... nababalewala... sensya alang sorpresa.. alang regalo... alang simba... college na kung kayat di na hawak ang oras... pero ang importante naman ay yung presensya ng mga taong mahalaga sayo... haha... baka di na ako mahalaga sa kanya... buti ka pa nga dumating mga kaibigan mo... pag nagbebertdey ako walang nagpaparamdam senyo... haay... tapos andami pang hinanakit... na sinasarili lang naman... tinatago... tapos ilalabas ng sabay sabay... ayaw daw matulad sa iba... baket may third party ba? mahusay na disguise ang buhok para makaiwas sa mga bagong kaibigan... haay... isang sakripisyo ulet ang nabalewala... mababaliw ako senyo... kapag nilasing nyo ko andami nyo siguro talagang malalaman na lihim ko... badtriiiip...

ano ba talagang problema? baka gusto mo namang sabihin sakin... iyak ka lang ng iyak dyan... di ka naman nagasasalita... ano bang plano? ano na ba? nagusap na tayo at sabi mo naiintindihan mo lahat... okei na nga diba?? tapos nagugulat nalang ako sa mga nagtatanong sakin... ano bang ginawa mo ke avir?... tugon ko syempre malaking huh?.. isip mo na para malaman kung may mali bang nagawa nung mga nakaraang araw... wala naman akong maisip...

nasa akin na siguro ang problema... pangatlo ka na... ewan

basta ang masakit talaga dalawang ina na ang nawalay sakin sa loob ng isang linggo...

hehe... first blood...

Wednesday, November 09, 2005 @4:24 PM

pare basahin mo to...

oi sori pala sa tag ko sayo nung monday november 07, 2005... medyo mainit lang ang ulo ko dahil sa pagod...
sablay lang talaga ako at di nagisip muna bago magtype... the minute i say it, i kick myself. what the hell kind of thing is that to say? i mean, a million things i could have said, something profound like "haha nagfefeeling ka na naman!" but no... "...di naman sayo umiiikot ang blog ko"

ansakit ko talaga magsalita... halata kasi nagouch ka

sori talaga... my attention span is short these days, especially sa mga taong nagtatanong, pumupuna at nagpapapansin... di lang pala attention span pati na rin pasensya...

ok? di ko po sinasadya...

it's a crazy life... you get used to it... ah inde tingin ko sanay ka na pala...

ang mga nasa baba ay nagmula sa archives ni aleth na tingin ko ata ay orihinal na nagmula sakin... tama ba??? basta...

may mga bagay pala akong narealize. may mga taong sensitive sa sarili nilang feelings pero insensitive pagdating sa feelings ng iba. wala lang. tas naisip ko rin.. na minsan.. ung mga taong sinasabihan natin na manhid ay di naman talaga manhid. naisip ko nakakaramdam naman sila kaso ayaw nilang isipin yun kasi ayaw nilang magfeeling.naisip ko ang gulo. kasi pag umaarte sila na parang wala lang.. sasabihin naten na manhid sila. pero pag pinapakita nila na alam nila.. sasabihin naten na ang feeling nila. basta. parang ganun. ang gulo. may sense ba ung sinsabe ko? hehe. di ko maintindihan. wahehe. basta. wag nalang tayo magjudge kasi di naman natin alam kung anung iniisip o nafeefeel ng ibang tao. mahirap magassume. hehehe..
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

tungkol yan sa pagfefeeling... kaya tama na... pero di ibig sabihin directly related... haha ang gulo

acceptance smashes through me at 130 kilometers per hour... haha

ikaw bat nagbabasa ka... di ikaw yung pare ko...(ang tinutukoy na ikaw ay ang lahat ng posibleng nagbabasa bukod sayo)

ermitanyo days na naman....

Tuesday, November 08, 2005 @3:01 PM

hahamakin lahat...

sobrang nakakapagod ang enrollment sa arki... ang aga ko dumating... pero ang adviser ko na si prof. sarthou aka as rey langit.... mga 10:30 na dumating... san ka pa! tapos dumating na sya...eh pangalawa ako sa linya... kahit papano di ako maghihintay ng matagal-tagal pa... pagkatapos tungo na ako sa pagkuha ng form5... pumila pa ako ng pagkatagal-tagal tapos biglang sabi... "bumalik ka sa adviser mo kasi di nabilugan at napirmahan ang 20(number of units)" takteng yan... takbo kami ng kaibigan ko... tapos balik ulet sa form5... eh yung isa ko pang kaibigan na si marc ala pang arch20... nakakatawa kasi sya lang ata ang freshman sa arki na walang arch20... dinamayan namin sya kasi 1 pa ang enlistment... nagtungo nalang muna kami ng gym... may awto sya kaya walang problema... nagbabalak pa kami na makakuha ng pe dahil baka di kami maging laude pag inde kami nakakuha... sa kasamaang palad wala ng pe na available.. sakay ulet at bumalik sa arki... ang lunch time... kaya nagpa-aircon nalang kaming apat sa awto nya... para lang lumipas ang oras nagpaulan kami ng mga green jokes(eto na ang sinasabi ni sir bocato)... tapos pasok na ulet kami... biglang may kumausap sakin na freshman din sa arki... sabi ni aya "oi dean pinagtatawanan ka nila kasi mahaba na ang buhok mo.." haha... sabi ko nalang na di ko sila pagtatawanan kahit bumabagsak bagsak na sila... (ayusin nyo muna mga buhay nyo mga mennnnn!!! saka nyo nako angasan pag kaya nyo na) nung ayos na ang lahat... takbo kaming as para magbayad... syet lagpas 3 na... anghaba pa ng pila... parang intestines... ang init pa... ang init pa ng buhok ko... hahahaha... biglang sabi ng gwardiya na pwede na rin magbayad sa pnb... nagalangan kami kasi baka mahaba rin... tinanong namin ung guard... "kakabukas lang ba ng pnb?" sabi nya oo kaya takbo kagad kaming lima.... "tol sa awto na tayo!!!" takbo kami... para kaming amazing race family edition... hahaha... pagdating namin dun... asteeeeg bayad agad!!

sobrang nakakapagod ang araw na to! hehe... pagdating ko ng bahay bagsak sa kama... (delikado to... masamang matulog pag sobrang pagod... wag gagayahin)

ayos tiga-up na ulet ako!!!

@1:10 PM

As the rays of the life-giving Sun, your Dragon color is...

YELLOW!!

Your Inner Dragon is the most interesting of all. Yellows are the fourth rarest dragon of all (after Gold, Platinum and Chromatic dragons). They spend the vast majority of their time soaring high above the ground, often for no particular reason. They love to be in the air, and are thus typified as the Air Elemental dragon. Your Inner Dragon spends most of his/her time on the Plains or steppe highlands when not mingled with the air currents. All of the Elemental dragons are technically aligned "Chaotic Evil" but a Yellow is about as close as they come to being either Neutral or "Lawful Evil." So if you feel like a bit of a do-gooder sometimes, it's perfectly normal.

You like to spend time in silent, aerial meditation and would only really attack someone if provoked. Your favorable attributes are the sunrise, Spring, incense, clouds, and any kind of helpful air mass or current. When it's needed, your breath weapon is pure bolts of Lightning. How's that for a neat piece of carry-on luggage? See you amongst the clouds!

nakuha ko pala ito kay james na nakuha nya kay leon... hehe papirata lang.

Friday, November 04, 2005 @5:34 PM

apat na oras nalang... huling episode na ng sassy girl chun hyang... nabwisit ako sa episode kagabi... andaming cuts... ang pinakamasakit dun ay kung ano pa yung pinakahihintay na scene... nasama rin sa cut... sa mga di nakakaalam... yun ay yung scrapbook part... may nabasa si marvin doon... hahaha... may ganon din ako sa bahay... hahaha... kaya nga nasa recent thoughts ko yun eh...

ayaw ko talaga ng araw na ito... dahil sa matatapos na yung chun hyang... parang may mawawalang mahal sa buhay... kakaibang pakiramdam to... parang nung gradball.... may nagpaalam...

tapos ko narin sa wakas ang draft ng ultimate alibata part two... haha pero yung watercolour painting na hinihintay ni joy hindi pa rin.. sori joy...

pahamak ka tangco.... bigay mo na class card ko.

ikaw gusto mo bang manood ng sassy girl? may dvd ako... at nasa mood ako para magpahiram... hehe

"siyam na taong akong naghintay at di na ako makakapaghintay pa ng sampung minuto!"

hehehe... ayos may pasok na ulet!!

Tuesday, October 25, 2005 @6:54 PM

SUNOOOOOG!!! SUNOOOOOOG!!!

alas nuwebe ng umaga... ginising ako ng maiingay na sigaw ng mga kapitbahay kong bata.. natutulog pa ba ako?? marahil nananaginip... kakaiba pa naman ang mga panaginip na hatid ko... pero pagbaba ko... totoo na to... nilalamon na ng itim na usok ang bandang likuran ng aming bahay.

"Dun yata yan sa kabilang kanto... tumawag na kayo ng bumbero!" sigaw ng isang ginang.

Naglakad ako at tinanaw ang malaking usok...nilanghap ko narin habang tinititigan... "anong gagawin ko? wala rito ang nanay ko.." naghilamos na ako agad... tumakbo papunta sa kabilang kanto...wag sanang humangin... baka mahawaan ng apoy ang bahay namin...

"ayaw namin masunog... sino ba ang may gusto? itatakbo ko ang kayamanan ko"

tapos natuklasan ko...

sa kabilang subdivision ang sunog... mga tatlong kanto ang layo... sumabog ang tangke... asa pa... inde aabot sa bahay namin yan...

pero kahit ganun paman... natakot parin ako mamatay...

kahit ako na mismo ang anghel na sumusundo sa mga namaalam...

-----------

labo inde man lang nabalita to sa tv.. haay... tutungo nalang ako sa niyebera at kakain ng ayskrim...

Sunday, October 23, 2005 @12:45 AM

ibang paraan naman...

nakakasawa na puro lapis ang hawak buong sembreak
o di kaya naman ay keyboard at mouse at lasapin ang lahat ng radiation ng pc
buti nalang at naisipan kong mamili ng cd at dvd...
pumunta ako ng bayan kanina
ansaya andaming dvd na anime
binili ko yung ninja scroll dragon stone series na pinanood ko ng apat na oras
tapos di ko pa napapanood yung movie nya
nakabili na rin ako ng sariling kopya ng ff7 advent children..
nainggit ako kay crisanto eh
sa susunod na balik ko ung sassy girl chun hyang naman
nakakaadik mamili at manood
baka maging alternatibong bisyo na ito
ng isang ermitanyong katulad ko...

********

may problema ulet sa avir? ano kaya yun?
cheer up na!!

@12:38 AM

isang mahinang patunay..
di laging nauulit ang nakaraan...
last year inaayawan ng sistema ng aking katawan
ang kahit anong matatamis at malalamig na pagkain
dahil inuubo ako ng napakalubha...
pero ngayon...
sinasarili ko ang ice cream dito sa bahay
walang ubo...
ansarap ng el favorito...
************
di ko nakuha ang lahat ng gusto kong subject at sked para sa 2nd sem... at mukhang di ako bubuhayin ni tangco... antagal nya naman ibigay ang grades namin sa philo1... antagal tagal

Thursday, October 20, 2005 @4:53 PM

isang linggong pa.. naginip

sabi nila kung gusto mo mapanaginipan ang isang bagay... dapat isipin mo yun bago ka matuLog.. dili kaya ay maglagay ka ng isang bagay na mairerelate mo roon sa ilalim ng unan mo... pero bakit ganun? yung mga panaginip ko sa loob ng isang linggo ay kaiba talaga sa inaasahan ko... kasi bago ako matulog nanonood muna ako ng sassy girl chun hyang... at kadalasan ung mga naglalaro sa isipan ko bago matulog ay ang mga sumusunod:

"bakit nagkaganon? tanga kasi tanga"
"ano kaya mangyayari bukas?"
"bitin ang chun hyang.."
"sabihin mo na kasi na mahal mo si chun hyang.."
"pahirap talaga sa buhay ang mga babae... ginagawang kumplikado ang lahat"

et cetera...

kaso sa kasamaang palad.. meron akong mga wirdong panaginip na di ko marelate sa buhay ko... di ko batid kung may malalim na kahulugan o may mensaheng nais ipaabot... ano nga kaya.. eto sila..

lunes: napanaginipan ko na nandun ako sa kanta... bale sa intersection ng cairo st.(street namin) at sa belfast st... tapos humiga ako sa kalsada... syempre malamig ang lupa dahil mukhang madaling araw yun... konti lang ang stars nung gabing iyon kaya nakakabagot ang humiga magdamag... pero yun ang panaginip ko buong pagtulog ko... boring

martes: napanaginipan ko naman na nandun na ako sa rooftop ng kapitbahay namin... madilim pero nababasa ko yung librong dala ko... tapos may nakaipon dun na plastic... (prang lalagyanan ng shabu)... may laman powder un na kulay red tapos may naka-staple na papel... "kung gusto mo makita ang kalawakan." e di ang ginawa ko tinikman ko... lasang atsuete(baka atsuete nga yun kasi pula eh)... eh walang nangyari... tinago ko nalang sa bulsa ko... tapos tumingin sa langit... tapos di ko na alam yung kasunod (pagkagising ko kinapa ko yung bulsa ng shorts ko... haha... wala pala akong bulsa.. panaginip nga lang talga)

miyerkules: nakahiga ulet ako roon sa intersection ng cairo at belfast... tapos nagutom ako kakahiga kaya tinignan ko yung bulsa ko.. tapos walang pagkain pero andun yung powder.. iba na ung nakasulat sa papel na naka-staple... "di naman to kinakain... pinapagpag sa mata" (kaya pala walang epekto)... pag pagpag ko sa mata ko... syempre napuwing ako... kinusog ko ung aking mata.. syempre may luha luha... pagmulat ko... nakikita ko na ung jupiter, mars, saturn, uranus, venus at ung mga asteroid... grabe anlalaki... mas malaki pa sa buwan... di naman ako makapaniwala dahil parang anlapit lapit nila... at yung mga details ng bawat planeta kitang kita... pagtayo ko... biglang lumindol... tapos nawasak isa isa ung mga planeta... tapos lahat ng nadurog na bahagi ay bumagsak sa earth... tapos direktang direkta sa akin... sa sobrang takot ko... nagising ako

huwebes: iba na ang naging panaginip ko nung huwebes... kasama ko si gian sa may overpass na nagdudugtong sa sm north annex at sa main...ung halos tapat ng kiko... sa panaginip ko parang anlaki nung pagitan ng annex at main... nasa kabilang dulo kami ni ging tapos sa kabilang dulo naman ang ice and nails... tumutugtog sila... (yung overpass nga pala di sya tulad nung sa mmda at ung mga nasa commonwealth... parang semento lang at walang bubong) tapos nagyaya sila kumain.. dun kami bumaba hagdan sa main... pagbaba namin... nakita ko si ate lovely(ate ni avir), si philip at si alex na naguusap... tapos di namin pinansin... tapos may bumatok sa akin ng napakalakas... minura ko... paglingon ko si godfrey naglalaro ng chess... di ko nakilala yung kalaro kasi nakatalikod(nandoon din sila sa hagdan ng overpass pero andun sila sa hawakan, nakaupo na nakabalanse... weird) nagtuloy lang kami ng lakad pagbaba pero kasabay na namin si la vina... (ung kabatch natin na umalis nung 2nd yr)... pati ung hiv... tapos pagpasok nila sa pinto.. tumakbo ako palayo papuntang terminal ng fx... tapos may bumusina sa likod ko.. masasagasaan na ako... sa sobrang takot ko.. nagising ako...

biyernes: napanaginipan ko na nahuli ako... nahuli ng kung anong nilalang... tapos tinanong ako "tinapon mo na ba ang lahat ng pag-asa mo?" sabi ko... "natapon ko na po lahat.." di sila naniwala kaya nagbody check sila... kinapa ang bawat bahagi ng katawan ko...(nakashorts ako nun at itim na polo) eh wala silang makita... pinabuksan nila sa akin ung katawan ko kasi baka tinago ko raw sa internal organs ko... ginamit kong panghiwa ung kamay ko tapos tinanggal ko isa isa ang puso baga tiyan pancreas liver et cetera... nicheck nila maige bawat isa para masigurado dahil may pag-asang nakaipit... baka may pagibig na maaaring magtrigger sakin para bumuo ng pag-asa... eh wala silang nakita... pinabalik na nila sa akin... inisa isa kong pinulot at binalik... ginawa ko ang makakaya ko ng walang salamin... pinadaan na ako ng di ko makilalang nilalang sa malaking gate... tapos biglang may umakbay sakin mula sa likod... "alam ko may natira ka pa.." di ko sya kilala.. pero mukha syang babae kasi mahaba ang buhok... nagsalita sya pero walang boses na lumabas sa bibig nya pero nagawa ko pa ring intindihin un... bale sinagot ko sya.. "meron pa ngang natitira... di ko sasabihin sa kanila... kaibigan ka ba? wag mong sasabihin kung saan ko tinago ha.." tapos ngumiti sya at umalis... biglang sinabi "cge sikreto lang natin na ang huling pag-asa mo ay nasa maiitim na pakpak mo..." pagsara ng gate... di ko na alam ang nangyari... nagising na ako...

sabado: eto ung gabi na nagovernyt kami kela pj... pagkatapos ng debut ni joy... madaling araw na kami nakatulog... napanaginipan ko na nagiinternet ako at nagbablog... eh nagutom ako... pumunta ako sa kusina... tapos nakakita ako ng palaka... tapos nagsalita sya... "kaming mga palaka ay di marunong maawa, ang alam lang namin ay kumain" syempre wala akong pakelam sa kanya... di ko sya maintindihan eh.. tapos pagalis ko humirit pa siya.. "naiintindihan ko ang lumamon ng buo... naiintindihan ko ang magutom... naiintihan kita" tapos napangiti ako tapos nagblog ulet... di ko na maalala ang kasunod... kaya nagising nalang bigla ako...

linggo: natagpuan ko ulet ang sarili ko na nakahiga sa intersection ng cairo at belfast... tapos pinagmasdan ko ang buwan... mukha siyang malaki kumpara nung mga nakaraang araw... tapos biglang umulan... tumayo ako mula sa pagkakahiga... tapos nawasak bigla yung buwan.. unti unti silang bumagsak papunta sa akin... sa kabutihang palad naiwasan ko lahat... pumulot ako ng ilang bato... tapos agaw pansin sa akin ang dalawa sa kanila... ung isang parang metallic plate na may astronomical symbols... star star sun moon star... tapos ung isa naman batong doll house... inuwi ko sa bahay... tapos nagising na ako...

bale nangyari yan mula Oct 14 hanggang Oct 20... napakawirdo talaga...iilan palang un narelate ko sa buhay ko.. ung iba inde pa... baka mangyayari palang...

kung ikaw na nagbabasa nito ay pinagdududahan kung totoo nga ito o inde... (kilala kita eh!) totoo talaga ito...

di ko naman kasalanan na makulay ang mga panaginip ko... at marami akong naaalala... bakit inggit ka?... isa lang sikreto dyan.. manood ka rin ng sassy girl chun hyang.. hehe

@4:08 PM

ikaw...

eto ay kasama sa aking general cleaning sa aking blog na binahayan na ng alikabok...

ang ideya nga pala nito ay natutunan ko kay aleth... mahigpit sa up ang pangunguha ng ideya ng iba kaya ito ipinapaalam ko na sayo ito... salamat aleth... hehe

ikaw: hintayin mo lang ang watercolour portrait na pinagaaralan kong gawin ha... pag pasko na at wala pa rin... merry christmas nalang... beh!!

ikaw: bakit naramdaman ko ang aura mo sa north fairview nung tuesday ng hapon(tuesday nga ba?)? nakaitim ka pa! hanggang dito ba naman sinusundan mo pa siya... hmmm

ikaw: bakit mo ba sinasaktan ang damdamin ni marvin? sige ka mapupunta kay charina aka tootsie guevarra yun

ikaw: hangganda mo nung debut ni joy ha!!! kwentuhan mo ako ng mga bagong balita tungkol sa inyo ng greek hero mo...

ikaw: talaga namiss mo ko? ikaw palang ang nagmemessage sa akin ngayong sembreak... wag kang magalala.. titext kita sa number na binigay mo...

ikaw: di ka na nagpaparamdam ha... dahil ba sa inde rin ako nagpaparamdam?... oi sembreak na!!! paramdam ka naman

ikaw: buti naman at nakarecover ka na... nay panatilihing masaya ang sarili ha

ikaw: buhay ka pa ba? magpagaling ka kung inde pa

ikaw: oi ikaw gusto ko na magpasukan para may mapitik at mabugbog na ako... para masaya

ikaw: lapit na bertdey mo ah... dito nalang kita babatiin ha...

ikaw: ang lupet ng mga larawan mo sa friendster... kakaibiganin kita bago ka maging artista

ikaw: kamusta dyan sa UK? pagaling ka pala... tama na muna ang mga sarbey

ikaw: kahit kelan pahirap ka sa buhay ko... pero okei lang... wag ka magbago kasi gusto kitang maalalang ganyan habambuhay.. lagi naman kitang kasabay(siguro) kapag tumitingin sa langit pag gabi

ikaw: wala kang kwentang katext... binati ka na nga hmmmph! kung di lang kita...

ikaw: kapartner talaga kita sa panonood ng chun hyang... haha....

ikaw: di mo ko matatalo sa armored core... asa ka pa!

ikaw: wag ka ng magalala... napatawad na kita... pero di parin babalik ang dati

ikaw: mamatay ka ng prof ka.. wag kang magkakamaling bigyan ako ng 3, 4 o 5...

ikaw: wag ka na magmumulto sa hagdan kapag may pasok na ako ha...

ikaw: oi andyan ka na!! pwede na magwish

ikaw: di ka santo... kahit naglilingkod sa simbahan parents mo..

ikaw: o seksi ka parin dapat pagpasok ko

ikaw: taunggoy ka parin?!?!?!

hehe... nakakaintriga ba ang ilan?... wala lang... makikilala nyo yung mga sarili nyo lang... pero kung may alam pa kayo sa iba... text ikaw space space space sa aking cell no... haha

tama na... mag-aral na kayo!

@12:14 PM

ang di mawaring hinaharap...

grabeng agiw ang naipon sa blog ko... kelangan ng maglinis ng bahay ng kadramahan... hahaha

binisita namin noong linggo ang aming pinakamamahal na lolo... ang aming napatalino at bigating lolo.. saan ka ba naman makakakita ng nilalang na dating dean ng uplb... dating prof ng diliman college of eng... isang mahusay na pintor... isang magaling na makata... at higit sa lahat may mataas na katungkulan sa beta epsilon fraternity...

di namin siya talaga lolo sa dugo... pero napakatibay ng pising naguugnay sa amin dahil sa kanyang relasyon sa aking mga magulang... sya kasi ang nagaruga sa aking mga magulang noong nasa up pa sila... at dahil dyan meron syang concern sa buhay naming magkakapatid... mas lalo na sa kanyang apo-apuhan na tiga up..

bigla syang nagtanong nang may mahinang boses...
"ikaw ba si dean?"
"opo ako po lo..."
"bakit ka nagarchitecture?"
"kasi ayun po ang gusto ko... un talaga ang pangarap ko.."
"eh kasi inde naman siya in demand dito sa atin... sana nag civil eng ka narin na tulad ko.."
"ang gusto ko po kasi ay magkaroon ng pangalan...di na bale ang di maging mayaman... gusto ko lang makalikha ng disenyo na di nakakalimutan ng tao.."
"eh pwede ka rin namang magkapangalan sa civil eng eh... wala ka bang balak magshift? alalahanin mo ang pamilya sa hinaharap..."
" wala po akong balak eh... itutuloy ko na po ito.. at saka pwede naman ako mabuhay magisa ng habambuhay para wala ng madamay sa paghihirap ko kung sakaling di ako maging matagumpay.."

huminto na siya sa pagtatanong... nagkaroon ako ng pagkakataon ng pagmasdan ang kanyang mga paintings.. grabe anlupet talaga... karamihan mga dibuho ng mga bulaklak pero medyo geometric(kakaibang istilo to ah)... tapos may pinta pa ng construction site... idol kita lo... sobrang kapal ng pagkakagawa... ang tekstura kakaiba...

"kamusta ang math mo? balita ko magaling ka raw roon ah.."
"1.25 po lo..."
"o bakit di mo pa inuno.. madali lang naman yun eh... next time dapat uno na ha..."
"susubukan ko po.."
"san ka nga pala nagtapos?" (kaya nya tinanong kasi di kami nagkita buong hayskul ko... kaya di nya batid kung saan ako nagaral)
"sa quezon city science po.."
"dba pumasa ka naman ng pisay... bat di ka roon nagaral?"
"di ko po alam eh... maaaring nakatadhana sa akin ang kisay.. kasi kung nagpisay ako di ko makukuha ang architecture..."
"sino nga pala ang dean nyo?"
"si san luis po.."
"estudyante ko dati yun eh...."

katahimikan ulet... pinapatay ko ang oras sa pamamagitan ng pagtingin sa mga gamit nya na naka-display... pumasok sa pansamantala sa kwarto nya... nakita ko ung mga parangal sa kanya.. tapos tumingin ako ng photo album.. " o si angel locsin to ah!" at napagalamanan ko... nung di pa sikat si angel locsin nagoovernyt sya dati sa bahay ni lolo dahil bestfriend ng apo nya... (nakoo dapat dati ko pa alam... pra naging kaibigan ko rin yun).. pagbalik ni lolo may dala na syang mga libro... nagsulat sya sa unang pahina... tapos binigay nya ang dalawa sa akin...

un ay mga libro na koleksyon ng kanyang mga tula... tapos binasa ko ang sinulat nya

October 16, 05
14 Malusog, QC

To my dear Dean Michael Ramos,

A keepsake for all time's sake.

From the author,
(Signed) Prof. Dominador Ilio

"may balak ka bang sumali ng frat?"
"pinagiisipan pa po.."
"gusto mo sumali ng beta epsilon? makakatulong sila sa iyo.."
"okei lang po.."
"pakisulat naman yung iskedyul mo para sa 2nd sem.."

nagkataong dala ko yung isked ko... kaya binigay ko nayung ni-print ko..

"kilala mo ba sina cristopher reyes at erik yambao?"
"inde po.."
"mga member sila ng beta epsilon at 3rd yeat na sila sa arki.."
"ah ganun ba.. di ko po sila kilala eh"
"di bale papahanap ko ikaw sa kanila... para naman mainterview ka na agad.. di ka pa naman pwedeng magfrat eh kasi freshman ka palang... sa summer ka nalang pumasok..."
"opo.."

tapos tinanong nya yung nanay ko kung okei lang ba sa kanya.. kung papayagan nya ba raw ako..
"siya naman ang bahala eh.. okei lang sa akin.."
"kanya naman katawan yan.." hirit ng nakakabatang kapatid ko na si daniel..
"okei lang sa akin lo.. payag po ako" sambit ko bilang pagsangayon

ngayon palang ako nakaranas na may dumidikta sa dapat kong gawin... napressure tuloy ako ng sobra... binigyan ako ni lolo ng daan na dapat tahakin... di ako sanay... sanay ako sa kalayaan sa bahay...

pero tama si lolo... lipas na ang panahon ng pagibig at paglalaro... panahon na para ituon ang sarili sa acads...

kahit papano meron na akong patutunguhan..

ang inde ko alam...

kung ano ang naghihintay sa akin sa huli...

Sunday, October 02, 2005 @9:05 PM

timeout.... theorems muna

nakooo.... pagod.... wasted... inhale exhale... ayan....takas muna sa plates... gusto ko magblog eh.. kaso ala ako time magsulat... kaya eto theorems muna ulet... mga kantang nagpapasakit ng ulo sa mga taong mahalaga sa atin... oti oti.... si lord kasi pasaway eh... may pasalubong pang problema eh... eto na...

Para Sa'yo
Lumayo ka na sa akin
Huwag mo ‘kong kausapin
Parang awa mo na
Wag kang magpapaakit sa kin
Ayoko lang masaktan ka
Malakas ako mambola
Hindi ako santo
Chorus:Pero para sa ‘yo, ako’y magbabago
Kahit mahirap kakayanin ko
Dahil para sa ‘yo, handa ‘kong magpakatino
Laging isipin lahat ay gagawinBasta para sa ‘yo
Hindi ikaw yung tipong niloloko
At hindi naman ako yung tipong nagseseryoso
At kahit sulit sana sa ‘yo ang kasalanan
Lolokohin lang kita kaya’t
Kung pwede, wag na lang
Dahil ayoko ngang masaktan ka
Wag kang maniniwala
Hindi ako santo
[Repeat chorus]
Bakit nakikinig ka pa?
Matatapos na ang kanta
Pinapatakas na kita
Mula nung unang stanza
Hindi ka ba natatakot
Baka ikaw ay masangkot
Sa mga kasalanan ko
Pero para sa ‘yo, ako’y magbabago
Kahit mahirap kakayanin ko
Dahil para sa ‘yo, handa ‘kong magpakatino
Laging isipin lahat ay gagawin
Basta para sa ‘yo ako’y magbabago
Kahit mahirap kakayanin ko
Dahil para sa ‘yo, handa ‘kong magpakatino
Laging isipin lahat ay gagawin
Basta para sa ‘yo

Muli

kay bilis ng pangyayari at di
ko namalayan
na ako pala'y iiwan mo ng
ganon na lang
kahit na anong gawin hindi
kayang tanggapin
ng puso ko't isipan na ika'y
lilisan
maari bang dinggin natatangi
kong hiling
sana ay makapiling kang
muli kang masilayan at muli
kang mahagkan
sana'y di na iwan pang muli
hindi ko sinasadya na ikaw ay
masaktan
kaya't sana naman ay iyong
maintindihan
na ako ay nagsisisi at
nangangako sa yo
na di ka na luluha pang
muli sa piling ko
maari bang dinggin natatangi
kong hiling
sana ay makapiling kang
muli kang masilayan at muli
kang mahagkan
sana'y di na iwan pang muli
di na ba mapagbibigyan
bakit di maunawaan
maari bang dinggin natatangi
kong hiling
sana ay patawarin mo
ako ay nagsisisi at
nangangako sa yo
di ka na luluha pang muli
Gitara
[1st verse]bakit pa kailangan mag bihis
sayang din naman ang porma
lagi lang namang may sisingit
sa twing tayo'y magkasama
[2nd verse]bakit pa kailangan ng rosas
kung marami namang umalaalay sayo
uupo na lang at aawit
maghihintay ng pagkakataon
[chorus]hahayaan na lang silang
magkandarapa na manligaw sayo
idadaan nalang kita
sa awitin kong itoh
sabay ang tugtog nang.....gitara....
idaan na lang sa gitara..
[3rd verse]mapapagod lang sa kakatingin
kung marami namang nakaharang
aawit na lang at magpaparinig
ng lahat ng aking nadarama
[chorus]pagbibigyan nalang silang
magkandarapa na manligaw sayo
idadaan nalang kitasa awitin kong itoh
sabay ang tugtog nang.....gitara...
idaan na lang sa gitara.....
mabuti nalang.... ansaya talaga ng mundo... dahil puno ito ng paninibugho...

Thursday, September 22, 2005 @8:47 PM

ultimate alibata part two(coming soon)...

saka na pag matino na ang spacebar namin... intay lang kayo...





Friday, September 09, 2005 @12:51 AM

si jesus nga long hair eh...

kaya nakakapagtaka para sabihin nyo na panget maging mahaba ang buhok...
pasensya na... eto ang gayak pandigma ko sa arki...
walang pakealamanan...
pwede?....

@12:42 AM

kill ka sakin... kiLL!!!

tangina talaga!!!
tangina... nang dahil sayo di ko nagawa ang freehand plate ko kanina... tanginang gaguhan kasi eh... di ka naman inaano dyan... kaw pa!... isa ka pa!!... sawsaw suka ka... kesa tulungan nyo ko... tangina... naiipon na ang repeat plates ko sa freehand lam nyo ba un?... naisip nyo ba ang pakiramdam na nagpopointilism tapos di makagawa ng tuldok dahil sa asar at galit?... tangina talaga... ang mga demonyo... di ginagago... kaw lagi ang nagsisimula eh... tapos babalaan kita na tumigil ka na kasi mawaonehit-KO ka sakin... tangina... buti ako nalang ang nagpigil... putang ina... kill tong araw na to... kill.... sasama nalang ako siguro sa fieldtrip sa taal... magpapatihulog nalang ako sa tagaytay... tangina... at saka akin ang sketch pad na yun.. parang yung paper mo kay enrile... sayo rin yun... kaya nirespeto ko nung ayaw mo pabasa...
walang gaguhan... marami na akong problema...
dumadagdag ka pa eh...
nakakairita na tuloy tumambay...
ngayon nyo ako tanungin kung galit ako...
tangina...
di ko makakalimutan ang araw na ito...




ruth...

Tuesday, August 23, 2005 @10:39 PM

happiness is just a stone-throw away...

isang iglap mapapangiti ka... pwede pa palang maging masaya... malapit na... tapos kasing bilis na unang isang iglap... napagtanto ko... malakas nga pala ako bumato ng bato... lagpas na sa escape velocity... anlayo na... di na matanaw ng aking mga mata... ang tanging alam ko... napunta na un sa pulang marte... anlayo... antagal pa akong magiging masaya... marahil hindi na talaga... parang isang pangarap na hindi maabot... parang prutas na nasa napakataas na puno... parang ang pulang marte... kailanman di ko maaabot... tatanawin ko nalang sya habambuhay... titingala magdamag... hanggang sa manakit ang leeg... okei lang... masasanay rin ako... tulad ng pagkasanay ko sa pagsilip sa tres marias, sa tatlong hari, sa titovicandjoey, sa orions belt... sanay na ako... konti nalang... manhid na... haha.. hahaha.... hahahaha.... ansarap magpatianod sa agos ng buhay... punong puno ng mga karanasan... dba?...

ikaw... salamat sa mountain dew... salamat sa bday gift... gawain ko to dati... astig... napasmile ako onti...

Monday, August 15, 2005 @11:08 AM

utang na loob lamang loob...

this entry carries the outrage of my saliva and my fears and aspirations.... lintek halatang wala sa katinuan...

isang napakalaking kapestehan tong ginagawa ko... lunes ngayon at meron akong ginagawa dapat pag lunes... ano pa eh di pumasok at magaral... tangina... piniperwisyo na ako ng plates na to... madali lang naman... bakit di ko magawa? emotionally stress kasi talaga ako eh... di ako makapagisip ng matino... di ko mahawakan ang lapis ng maige... ano bang nangyayari sakin? sablay kasi ako sablay... di ko dapat ginawa... consistent dapat ako... dapat pag-aaral... dapat pag-aaral... syempre di ka mabubuhay kung walang kaibigan... pero dapat lahat kaibigan muna... napagtanto ko napakahirap pagsabayin ang pag-ibig at pag-aaral... isipin mo kelangan mo laging maglaan ng oras sa taong mahal mo... lagi akong nagbibigay panahon makasama ang barkada at pamilya ko... pero kapag may mahal ka iba pang oras ang kailangan para sa kanya...napakawalang kwenta ko talagang tao... eto na naman ako... di nag-iingat sa mga salitang binibitawan ko... mahirap para sakin to... dahil ang bawat putok ng baril laging may recoil... sumusunod sa law of interaction... isa akong tokwang baliktad...

nakakastress talaga pag tinatanong nila na "kamusta na kayo ni ....?" masakit mang sabihin, aminado naman ako sa kanila na di kami gaanong naguusap... sobrang bihira lang... kagustuhan ko kasi to eh... sinabi ko naman sa kanya... kahit ang nanay pen naghihinayang at naninibago sa nangyayari... tangina... tatay ko nga ata si ....... parehas kaming di makamove on... niloloko ko ang sarili ko na wala na sa akin ang nakalipas... ngunit ang katotohanan nabubuhay parin ako sa kahapon... masakit... pero di ko ibig sabihin na bumabalik na ang mga dating damdamin... mali... totoo meron pa nga talaga... kasi ang pagibig nagbabago pero di nawawala... pero wala akong bumalik sa kahit sino man sa kanila... nakaraan... nakaraan... dalay kalungkutan... kaya nga sa mood space ko na sad... ang nidesign ko talaga... isang sepia...

nagtataka ako... bakit ko kasi ginagawang kumplikado ang buhay ko... pwede ko namang piliing makasama si .... siya na... siya na... pero pano kung inde kami ang nakatadhana sa bawat isa... baka mapilitan lang kaming ifocus ang bawat isa sa amng dalawa... dama kong itoy kapalaluan... pero mahal ko talaga sya.. mahal na mahal... andun parin ang tibok... andun parin ang mga pangarap... nananatili parin ang mga panaginip... ngunit nilisan na ako ng saya na makasama sya... dahil ramdam ko ang kakaibang ewan... nabubuhay kami sa kasalanan... yata... parang heat... isang subtle imponderable entity... parang ewan...

kailangan kong palipasin ang oras... kailangang magbilang ulet ng mga pink na baka.. pekeng tuwa.. pekeng halakhak.. tutal nabubuhay naman tayo sa imitasyon na realidad... pakiramdam lang natin totoo.. pakiramdam lang natin tama... ngunit... it's the other way around...

bago magtapos ang ewan na to... gumamit na tau ng theorem... baka umiyak ka na eh... wag ka ng manangis irog.. sayang lang ang luha mo... may paggagamitan ka nyan... akoy malapit ng... pwedeng mamatay... pero inde talaga... haha.. chir up na.. kung may nagbago man konti lang talaga... nasasakal lang talaga ako.. kelangan ko muna ng space... ang kapal naman ng mukha ko.. ako pa ang nanghihingi... at saka ang lagay parang kasintahan pa kita.. hehe...pasensya... matagal na panahon bago kita mayakap ulet...


----------
nagsimula ang ang bagong buhay sa mga paputok at maraming lobo
nakakaantok nakakapraning
pagkagising ko hinanap kita
sa kasamaang palad
tanging nakita ko ay mga mukhang hindi sayo
nagmukmok sa isang tabi at hinintay ang madilim na gabi
bagamat umuulan nakatanaw parin sa langit
may pagasa pa... sana
hanggat bumubuhos ang mga bolang apoy
tuwing kaarawan mo
tandaan mo...
lahat sila'y nagbabaga para sayo
sanlibong dakot na apoy.

Saturday, August 06, 2005 @8:58 AM

kasi ganito yun...

ang pagsulat ng entry sa blog ay parang paggawa ng step by step solution sa math 11 class... may mga theorem n kailangan mo munang iprove para magamit sa mga kasunod na solutions... may mga concept na kailangan mong i-recall para simulan ang isang bagong lesson... wala lang akong masabi... naaapektuhan na ang emosyonal na sistema ko sa paulit-ulit at sobrang pakikinig ng orange and lemons... talagang ipinagpalit ko ang 250 pesos sa isang opm cd sa halip na bumili ng charcoal pencil, 5b staedler, sticker, damit, buko juice, hot monay at taho. Dahil sa pakikinig ng orange and lemons... may nabuo akong mga theorems...

Pabango Ng 'Yong Mata
Orange and Lemons(Castro - Fundales)

'Wag ka ng manangis irog
Sayang lang ang luha mo
May paggagamitan ka nyan
Ako'y malapit ng mamatay
At saka mo na diligin
Ang libingan ko
Ng pabango ng yong mga mata

Luha, kusa na lang dumadaloy
Sa mga pagkakataon,
Nagpapaalalang tayo'y tao lamang

Pagsisisi, lagi na lang sa huli
Sa mga pagkakataong
Nakakalimot na tayo'y tao lamang

Pilitin mong tumindig
Upang ikay mahagkan man lang ng mahigpit
Kusang napapahundasay sa aking
Malupit na papag
Nabibilang ko ang sikat ng araw
Parang kay bilis na ng ikot ng mundo
Marahil ito na ang huling awit at hapdi
Na ipadarama ko sa yo

ewan ko... unang theorem palang yan... masakit na ewan... parang nilikha ang kanta para makapanakit ng damdamin... parang sa dami na ng nangyari... di parin nila alam na weak spot natin ang damdamin natin... vulnerable sa lahat... maaari mong ikamatay...

Wednesday, July 20, 2005 @4:08 PM

bagamat malungkot, unang beses namang natupad ang wish

langya... umabot pa ako sa edad na 17... masamang damo kasi eh... haha... pero gusto ko talaga na magkaroon ng kakaibang mangyari sa kaarawan ko dahil eto ang una ko dito sa updil... syempre tulad ng dati naghintay ako ng 12 am ng july 19 para malaman kung sino ang mga unang babati... hehe... ayos si avir eh... 12:01 am... pero pagkagising ko na nabasa un... kasi nakatulog ako nung mga 11:45... kapagod kasi eh.. peste gising ako maaga kasi ang klase ko sa math... nakawhite ako dahil kelangan sa pe namin.. eh trip ko magred para papansin na bday... binaon ko nalang.. tapos langya.. unang kamalasan.. wala akong sapatos... kaya pumasok akong nakatsinelas habang nagaalala kung ano ang pwedeng gawin ng pe teacher ko dahil wala akong sapatos.. haha... inisip ko na unang kamalasan lang un... pagdating sa petron ipinagdasal ko na makasakay ako ng fx dahil sa bday ko naman di muna ako magbubus... swerte sa harap pa ako... pero ang malas dun... ung katabi ko sinisipon!! inuubo!! langya naman balak pa akong hawaan... tapos anlakas pa ng aircon... ginaw na ginaw ako dahil nabasa ako ng ulan.. pakiramdam ko magkakasakit ako eh... tapos traffic pa... bale mula petron hanggang dona carmen traffic... tapos biglang gumaan... takte 6:40 na... pagdating ng commonwealth traffic ulet hanggang batasan!!! takte 6:50 na... tapos gumaan ulet... pagdating ng tandang sora traffic ulet hanggang central!!! langya 7:10 na!! nagmadali na ako sa paglalakad... sakay ng toki... eh nang pacman pa ng pasahero ung drayber... tumatakbo ang oras... halos 7:30 na... kaya ayun tinamad na ako.. di na ako pumasok... haha... dumiretso nalang ako sa as lobby para tumambay sa tambayan... may nakasakop... mga tiga-pisay... cge okei lang pagbigyan... kaibigan natin un eh... pag masci ung mga un.. babalatan ko sila ng buhay... haha... bale nagpunta nalang ako sa philo1 class ko.. hehe... sana walang klase... swerte pinagisip lang kami ng examples.. tapos sibat na.. may nakakatuwa pa nga eh.. kasi may nagtanong kung kelangan pang isulat... haha.. eh sabi nya di na kailangan kasi ang dapat lang gawin ay ang mag-isip.. hehe...
tapos nun.. wala na kalungkutan na.. parang ordinaryong araw lang na parang may nantitrip lang na batiin ka ng hapi bday... prang walang kakaibang mangyayari... naging mabaet na bata nalang ako... kumain ng kikiam at chicken balls magisa... uminom ng buko juice magisa.. pinapasaya ko ang sarili ko mag-isa... naglaro kami sa pe.. ung napanalunan kong chocolate coin.. kinain ko tapos ung foil ng gold binalot ko sa piso... kiniskis para maging golden piso... un ung niregalo ko sa kabday kong si buyao.. ngaun lang sya nakalimos ng ginto... haha... pakshet nareject pa ang proposal namin ng design ng upuan.. andaming kelangan gawin at baguhin.. next week kelangan may model na.. pano un... haaay.. kamalasan talaga... pagtapos ng lahat ng klase ko.. bumalik ako ng as dahil sabi ni anna.. nakita ko na si aleth... may regalo sya sa aking tinatawag nyang basura... mga sulat sa libre magazine na may mga dedications galing kina alethkrisdaisyjonneltinyhannahdar.... ayun nakakatuwa ung bigay ni tiny.. may pink pang tawas... haha... may sulat din sakin si anna... di pinaghandaan... hehe pero ayos lang dahil galing sa kapatid ko un eh.... sa mga iyon 30% na masaya na ako.. pisikal na saya... 10%emosyonal na saya.. tapos may di inaasahan.. sa palagay ko napatawad na ata ako.. at nagsori na rin sya... napatawad ko na naman sya sa kung ano man ang naging kasalanan nya... masaya na ako kahit papano... may alibata pa ako.. di ko sya nilagay sa kahon ng mga alaala... sa wallet ko nilagay... wala lang... buti nalang wish granted..si gelain naman oti... may regalo sa akin na ipapakita lang nya pero di nya ibibigay.. oti... hehe...
nagisaw kami jamesjantoyakoannapauladarkristinearabkat sa kalay... 50 isaw... antagal naluto... hehe... sensya na saa inyo un lang kaya ko.. mahirap lang kami eh..
tapos tumawag sina labliavir.. unang tawag ni avir dito sa bahay... una nga di pa sya nagdial... antok at pagod ako nung mga panahon na un.. saka nga pala... nung paguwi ko ng bahay may iniisip ako na dadatnan na kung ano mang sorpresa eh... sabi kasi nung mga nakaraang buwan susugod sa bahay.. pagdating ko wala pala... mga 9 na un... bale net agad ako... dahil baka andun ang sorpresa... wala rin... nawalan na ako ng gana... tama nga ung hula ko nung umaga.. eto ang pinakamalungkot kong birthday... moral lesson:wag magexpect...
ayun lang...marami pa namang july 19... ang di ko sigurado ay kung ilan pang ganun ang kasama ko kayong magcecelebrate... salamat pala sa lahat ng bumati.. mga matatalinong scientians ng diliman, mga ka-arki ko, kris and co, mga avo friends, pare, avirlabli, gee, at sa iba pang nakalimutan ko.. basta lahat kayo salamat!!
kahit malungkot okei lang... andami kong hiniling... iisa lang ang napagbigyan... buti nga ung pinakamahalaga eh... bihira ka lang talaga pagbibigyan.. wag masyadong humiling... baka maubusan ng wishes..

Thursday, July 14, 2005 @7:01 PM

kelan ako makakakuha ng uno..

kelan ako makakakuha ng uno?
puro nalang 1.5 at 1.75...
pag nakasibat ako...
ipe-frame ko...
tapos sasabit ko sa kisame...
iba ang pakiramdam ng may uno...
para kang nakahiga sa gabundok na c2 apple...
kelan ko pang galingan...
eto na ang simula...
5 taon pa...
at isang taon sa licensure exam...
magiipon ako ng uno...
magiging arkitek ako...
magiging prof ako..
magiging unang matinong drafting teacher ng kisay...
tapos magiging dean na ako ng college of architecture sa up...
pero bago ang lahat...
kelangan ko munang mairaos ang bday ko...
batiin nyo ako..
baka huling bati nyo na yun...
hahahaha!!!!
gudlak sa akin... gudlak sa atin...
hahahaha!!!!

Saturday, July 09, 2005 @9:44 PM

buhay arki...

ngaung araw... plano ko talaga na tapusin ang dalawa sa pitong plates na kailangan kong ipasa sa darating na bagong linggo... mula paggising hanggang 8:30 ng gabi... un lang ang tangi kong ginagawa... ihi lang ang pahinga.. ang inom ko ng tubig ngaun ay paggising ko at pagtapos ko... maswerte na ako at nakatapos ako ng isa... malas ako dahil dalawa dapat un... kung di lang ako nagkamali sa pangalawa... halos 80 percent na un... tang ina nagkamali pa ako... tapos nagbblot pa ung ink.. di ko pa lubusang natututunan ang technique...

ganito ang buhay ko ngaun... maswerte na kung may plate sa designing na kailangan mong makakita na samples sa net.. maswerte na ko nun dahil naoopen ang friendster account ko na nagkataon na homepage ng pc namin... (kaya masakit marinig sa isang tao na matagal mong hindi nakikita ang "di ka na nagpaparamdam... busy nga ba talaga? eh bat may tym ka pa para magfriendster?") haay.. tapos una pa nilang pinupuna ung buhok ko.. eh ano kung mukha na akong taong gubat... kaya nga ako nasa up para walang pakealamanan eh... di naman sukatan ng galing at ugali yan... di ko naman ginagawa to para magpapansin.. ginagawa ko to kasi masaya ako rito... at di nyo lang alam... kelangan ko to sa pagiisip... pag nafufrustrate ka na... mainam kung may buhok kang pagbubuntangan ng lahat...

mahirap mag-arki pag di ka magaling magdrawing tulad ko... kung di ka masipag tulad ko... kung di ka mayaman tulad ko... kung di maganda ang sulat kamay tulad ko... kung pasmado ang kamay mo tulad ko... at kung di ka sanay sa maghapong iisa lang ang iyong ginagawa...

nag-aaral talaga akong mabuti kala nyo lang.. di na muna talaga ako bibili ng cellphone... para walng drama.. walang panggulo sa pag-aaral ko... mga p're ubos na nga ang oras ko sa napakaraming 3 hour arki classes ko.. at sa shooting ng aking geog1 video... nakikita nyo naman na namamayat na ako... dahil hot monay at c2 lang ang staple food ko... mga p're konting unawa naman....

antagal ko na pala talgang di nagpopost... sa sobrang tagal.. inalala ko pang maige ang username ko.. ge next tym ulet... papahinga na ako dahil gagawa ulet ako ng plates bukas..

lapit na bday ko.. pag binati nyo ako.. ung matino naman.. wag ung nakakabadtrip.. parang di tayo nyan nagkahiwalay ng matagal eh.. haha..

gawa pa ako marami next tym... pag free ako syempre... asa!

Wednesday, June 01, 2005 @11:56 AM

first day of school... handa ka na ba?!
Parokya ni Edgar
"First Day Funk"
Let’s do the funk
Let’s do the first day funk
First day of school dapat cool na cool!
Mas cool pa sa tubig ng swimming pool!
Dapat talaga maganda na agad ang pasok
Pagpasok mo ng classroom, dapat umuusok!
Wag na wag kang mapapraning!
Sagot kita! diretso ang tingin!
Di dapat maatat na mapansin,
Kahit hot lahat, dapat “chill” pa rin!
Hinding hindi yumuyuko, kahit na nakaupo!
Di ko sinasabi na dapat maging mayabang.
Pero dapat di ka “mahiyain na halaman”
Confidence chong, lakas loob!
Wag na wag kang patataob
Kahit sa tapat ng maganda mong kakalase!
Mas lalo na sa prof mong mukhang Salbahe!…dance!
Let’s do the funk
Let’s do the first day funk
Itaas ang kamay, iwagayway
Salute the prof at sabay kaway…
Mag-classmate high-5 lang kayo
Now don’t be shy, kwela skwela ‘to
Just raise your hand kung may sagot
If you don’t know the answer, eh di lagot!
Just erase the board, at magsayaw
Lagyan ng funk ang pag-galaw – sayaw!
Let’s do the funk
Let’s do the first day funk
May dumating na isang babae!
Sobrang “hottie” na ka-klase,Sya’y lumapit at nag “hi”
Ako nama’y napakaway…
“akala ko ako ang kanyang kinakawayan at hindi ko inakala na ang nasa likuran!”
Kahit na napahiya, hindi ako kinakabahan!
Wala na tong ibang mapupuntahan… sayaw
Let’s do the funk
Let’s do the first day funk
Let’s do the funk
Let’s do the first day ...
ayos to.. ma-inspire tau sa ating unang araw sa college.. first day funk na tau!! haha... kaso di ko parin alam kung magfifirst day funk ako eh... hmmmm.... ewan!

Tuesday, May 31, 2005 @9:54 AM

ang cute mamatay ni paris hilton..

kahapon nagkita kami mga avoporowpayb sa mcdo carpark para magkita kita kami bago man lang magsimula ang klase... magiging sobrang abala na kasi ang lahat... kaya baka mabawasan ang araw ng aming pagkikita... pero sa totoo lang.. bago pa maplano yang pagkikitang yan.. nauna na kami ni joy at ni kat na magplano para manood ng starwars sa araw na un... di naman kasi malaking abala un kaya nakipagkita muna kami...

dun kami nanood sa may gateway... naabutan pa namin si caloi at si anali... house of wax ang balak nilang panoorin... eh nagkataon may problema kami sa sked ng starwars dahil pag natapos un di ko na aabutan ang naruto... kaya ang ginawa namin sumama nalang kami sa kanila para manood ng house of wax...

nung bumibili ako ng tiket... pinagdudahan ako kung ilang taon na ako.. R-13 kasi... haha... iba talaga pag mukhang bata... haha.. kasama ko si joy nung bumili ako... di sya tinanong... mabuti naman kasi mukha naman talaga syang matanda eh... haha... peace joy!!

sabi ni joy baka di sya makatulog pag pinanood un... matatakuting daw kasi sya... pinapatawa ko na nga lang eh... kung makita nyo lang kung pano magulat si joy... matatawa ka talaga.. haha...

matino naman pala ang gateway... masikip nga lang talaga.. ang yayaman pa ng mga tao.. pampalakas ng loob... sinasabi na lang namin na tiga-up tayo at matatalino tau... hha... aun... maganda ang house of wax... di magulo ang kwento... at di ka aantukin... sino ba ang aantukin sa mga daliring pinuputol... haha.... si paris hilton parang wala lang... hinahabol na ng killer anlandi parin tumakbo... at ang ganda ng pagkamatay nya... haha...

oi jantoy.. tinugtog ang "the prayer" ng disturbed doon... la lang.. naalala ka namin ni kat doon... nood ka narin... may magandang scene si paris dun.. haha...

nag-iisip ako ngaun... dalawang bagay... una mgafifirst day funk ba ako sa opening ng classes... pangalawa... pano ko sisimulan ang kasunod kong alibatang seryoso.. ay pangatlo pa... pano ba sagutin ang no.27 ng zestriddle.... haaaay

may isa akong tao dyan na gustong tulungan... haha... tulong na lang ako in mysterious ways... haha... ano ako god?... inde pagdadasal kita eh...

maya na ung next alibata... kain pa akong taho eh...

Friday, May 27, 2005 @1:53 PM

ultimate alibata...

gusto nating maging relihiyoso... pero inde lahat ng gusto natin... ay makukuha natin dahil gusto natin... sabi ng puso ko ang mga bagay na gusto ay nakukuha lang pag kelangan mo... at handa ka ng tanggapin iyon... parang isang kapangyarihan... mrami ang gustong makakuha ng pinakamalakas ng atake.. pero kung inde pa sapat ang mga napagdaaanan mo at di pa handa ang mura mong katawan... ikamamatay mo ang pagtanggap nito...

lagi nalang nating tinatanong kung may diyos nga ba talaga?? at sino ba si god... ano man ang paniniwala mo.. alam nating sya ang sentro ng religious faith.. sya ang lumikha ng lahat ng mga nakikita natin kasama na ang ating mga sarili... isang perpektong nilalang - infinitude, goodness, immutability, eternity, power at knowledge...

o sige na andyan na tau... pero meron ba talagang diyos?

misleading na sabihing "God exist." dahil pag sinabi mong nageexist ang isang bagay... makikita mo sya sa mundo.. tama naman diba? pero to believe in god is to have faith in the ultimate ground of being, or to trust in the ultimate rationality and righteousness of the whole scheme of things.

malabo ba? cge ibabase ko sa sarili kong experiences..

isa akong taong laging nag-iisip... madalas tulala dahil seryoso sa isang bagay na naglalaro sa aking isipan.. dati di ako naniniwala sa diyos.. dahil ang alam ko nasa isip lang natin sya... isa akong produkto ng agham at ang mga bagay na beyond science ay di ko dapat pakealaman... dahil sa diyos nagkaroon ng tama at mali... pero pano ba natin malalaman ang tama at mali.. may pagkakataon kasi na ang mga bagay na mali na last resort mo para makatakas sa isang torture chamber ay nagiging tama... lagi ko pang naaalala... sabi bawal magsinungaling... eh pero pano kung tinanong sayo ng isang hired killer kung saan ang bibiktamahin nya.. at nagkataong alam mo kung nasaan sya.. magsisinungaling ka ba o magsasabi ng totoo... ano ba ang tama at mali... sabi wag kang papatay.. eh ung mga pulis at mga sundalo ang dami ng napatay... pano nalang sila? inde naman sila humingi ng pahintulot sa diyos na papatay sila para sa ikakabuti ng iba...

ang gulo... pano sila makakapunta sa langit kung susuwayin nila ang ilang utos...

baka naman may exception ang bawat utos... wala namang sinabi eh...

napakababaw ng mga bagay na yan.. yep mababaw nga... kung iisipin mo nga ang pilosopo... pero inde lang yan ang gumugulo sa isip ko noon... napakarami pa... at meron pang mga sobrang kumplikado na sa sobrang complex nya.. pag lumabas na sa utak mo... di mo na matype kasi naghuhugis alibata.. di na maintindihan...

marami na ang sumubok na baguhin ang paniniwala ko.. pero sila na rin mismo ang nagsasabi na sumusuko sila... tapos tatawanan ko pa sila... dahil sila mismo naguguluhan sa mga pinagsasabi nila... kung naiintindihan talaga nila ang mga tinuturo ng relihiyon nila, di dapat sila naguguluhan kapag ipinapaalam na un sa iba....

pero sa isang iglap... nagbago ako... at naramdaman ko na ang nararamdaman nila... kahit gaano mo naiintindihan kung gaano kalaki ang impluwensya ng faith at ng diyos... maguguluhan ka parin at mahihrapan pag kinukumbinse ang iba...

pano ba biglang pumasok ang diyos sa aking buhay? sa totoo kelan lang yun.. nung nasa iloilo ako... at ang natutunan ko sa aking pag-iisa at pag-alala sa mga nangyari... the primary basis for belief in god is to found in a.experience and b. religious experience...

bakit dalawang klase? ganito yan... minsan dumadating ang diyos sa ating buhay na para bang may pinagpala kang misyon na kailangan mong gampanan.. parang ung mga nangyari sa mga saints... dumadating with the force of revelation - mystical experiences, conversion, a sense of presence at minsan sa mga visions at locutions... yan ang tinatawag na religious experience... pero ung nangyari sakin... simpleng experience lang...moral experiences, interpersonal relations, the sense of beauty, the search for truth, the awareness of finitude, at confrontation with sulffering and helplessness....

minsan kasi dumating sa buhay natin na parang lalamunin na tayo ng kalungkutan at kawalang pag-asa... at walang sinuman ang may kakayahan para tulungan ka.. dahil ikaw mismo naguguluhan kung ano ba ang dapat pakinggan at sundin.. dahil di mo alam kung ano ang dapat na ituring na tama at makakatulong para lumutas sa problema mo.. tapos matatahimik ka nalang.. mapapagtanto mo?? parang di ka pa lumalapit sa kanya... samantalang sya ang nakakaalam ng lahat.. sya lang ang magpoprovide ng liwanag.. tanging liwanag na nahahawakan... tapos u will find peace and self-contentment...

tulad nga ng sabi ko.. darating lang yan pag kelangan mo.. siguro di mo pa nararanasan ang sobrang kalungkutan...kaya nga ung mga di pa rin naniniwala... di ko naman kayong pipilitin na sumang-ayon... andito lang ako para magshare... balang araw... darating din na kakailanganin mo sya... wag ka lang ma-pride na kaya mo ang lahat... dahil sa mundong ito di nabubuhay ang mga nabubuhay mag-isa...

marahil wala nga talagang saysay kung mapatunayan ang existence ni god... totoo man sya o hinde.. maraming argumento tungkol sa kanyang realidad... pero walang naman dun ang nagbibigay ng matibay na ebidensya... pero para sa mga believers na tulad ko.. ang bawat personal experiences constitutes a proof, at pag pinagsama--sama ay mayroong cumulative force... bagamat di sapat para saklawin ang katotohanan... meron namang strong probability... na nandyan lang sya... ergo, belief in god is an act of faith- one that must be rooted from personal experience...


-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------


problema sa pag-ibig? entrust your lovelife to god.. best option yan...(*-*)
parang inde ba ako... sori ha... naninibago pa ako sa bagong buhay ko eh...

Monday, May 23, 2005 @7:47 PM

walang kwentang/kwentong post...

nakakaasar ang pakiramdam ko ngaun... summer ngaun at nakakabwiset dahil may sipon ako.. nakakaasar kasi ako lang ang may sipon dito.. ang sipon para sa malalamig na panahon... siguro tinablan ako kasi lagi akong natutulog na walang damit habang naka-aircon.. hahaha.... ayan... antagal ko ng di nagbablog... wala kasi akng pambili ng internet card eh... at pag meron naman.. sa sobrang dami ng naiiisip ko.. di ko na alam ang uunahin.. at habang tumatagal tatamarin na akong magsulat...[singhot]... nagiging abala rin pala kasi ako sa zestriddle.fanzine.pl.... sobrang ginagamit ko ang talino ko doon... pati ung oras ko sinasakripisyo ko... at mas maraming radiation ang tinatanggap ko... haha.. [singhot]... natutuwa na ako dahil no.20 na ako.. at di biro ang makaabot don... ei mark!! kaya natin to!! haha...

excited na pala ako sa pasukan... gusto ko ng bitbitin ang canister at t-square ko... haha... tapos nawiwirduhan ako... naaadek na ako sa funk na commercial... haha.. pati porma ko naaapektuhan... haha...[singhot]... ansaya ko talaga ngayon kasi wala ng masyadong problema... nakatulong talaga ng malaki ang training sa iloilo... haha
may nabasa pala akong nakakadire... yakkk talaga... haha... kaso bet ko di nyo mahuhulaan kung ano ang tinutukoy ko... [singhot]...

may bago pala kaming kaibigan ni leon at mark... tiga-Dumaguete sya... tapos sa upd na rin mag-aaral.. bs math ang kors... nakachat namin sya kagabi.. wala lang... napakafriendly kasi namin eh... tapos unti-unti ko ng nakikilala si leon.. [singhot]... asteeeg kaya... bait pala tong batang to eh!!

haha... napakawalang kwenta ng post na to.. epekto ng sipon..[singhot]

tapos may maganda akong natutunan sa zestriddle...[singhot]

may aral talaga dyan... sa pinakamahirap na laban... gamitin ang pinakaepektibong paraan para mabuhay... tumakas at tumakbo ng mabilis... haha... tapos samahan mo ng dasal... tandaan nyo love nya tayo.. haha..[singhot]

Monday, May 16, 2005 @9:09 PM

daw mumoy....

sobrang tagal ko ng hindi nakakagawa ng entry sa blog ko.. bale eto palang ang una kong entry ngaung may... di ko kasi mapagdesisyunan ang dapat isulat.. sa sobrang dami kasi ng mga naiisip ko.. di ko alam kung ano ba dapat ang uunahin..

bale baka gusto nyo malaman ang ilang mahahalagang bagay na nangyari sakin sa iloilo... basta ang masasabi ko... binago ako ng iloilo!! haha.. andami talaga.. nung nasa iloilo ako naging sakitin ako.. tapos ang nagiging lunas sa sakit ko ay... emperador brandy.. yakkk!! lasenggero na ata talaga ako.. haha... dahil sa kakasakit ko nabawasan ako ng 2 kilos.. ay kalulu-oy[bale ang ibig sabihin nyan ay kawawa]... hehe... tapos nabigyan ako ng payapang lugar kung saan pwedeng mag-isip ng matino.. dahil sa maynila andaming factors ang bumabagabag sakin para makapagisip ng matino... marami akong nabago sa spiritual na bahagi ng pagkatao ko.. tapos nakapagbasa pa ako ng "i kissed dating goodbye".. ang sarap basahin dahil nakakarelate ako.. bale sa iloilo napurga ako sa monggo.. at sa sinengwelas at indian mango... natuto akong sumabit sa tricycle.. haha... basta marami pang nagyari sakin sa iloilo.. pero di ko feel ikwento ng detalyado.. kaya wag nalang...
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
alam nyo ba na may kakaibang kaugalian sa mga kamag-anak ko sa side ng tatay ko na sobrang astig... lam nyo ba na ang first girlfriend/boyfriend ng mga pinsan ko... yun na ang siguradong asawa nila.. ang pinsan kong may gf na.. sigurado na kaming magiging sila sa hinaharap.. ang galing kasi nilang mag-alaga ng isang relationship.. dahil ginagabayan ng mga parents at iba pang kamag-anak... asteeeg talaga.. pati pala pari tumitingin... sana dito rin.. haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
ayun nabasa ko na pala yung entry mo yela... teka di ko kasi masyadong naintindihan kasi di ko masyadong mabasa ng maayos... liit kasi ng font at nahihilo ako... wag ka magtampo.. pagkagising ko bukas ipiprint ko tapos babasahin ko sa skul.. okei... chir up na!!! kaya mo yan yela[full house accent]!!!

haaay... buti naman at nakarecover nako.. at sasabihin ko next tym kung pano... sana wala ng kasunod.. sana tantanan na ako... di naman ako ganun kaganid para parusahan ng ganito.. nagsori na naman ako.. kung si lord nga marunong magpatawad tau pang mga tao.. haaaaay... sobrang sinusubukan ko talagang magpakumbaba... pero sobrang sablay parin... buti nga at tinanggap at inamin ko ang mga pagkakamali ko.. kaya naisipan kong magsori... pero ikaw ba nasambit mo na bang magsori... ni hindi pa nga eh.. masyado mo namang pinagdukdukan ako lang.. haay... di iilaw ang kandila kung wala magsisindi...

basta di ako ganid... wag mo na akong pahirapan pa..

Thursday, April 28, 2005 @2:37 PM

mga araw para bumalik..

kelangan ko ng ibang lugar na kung saan mababalikan ko lahat.. dahil sa iloilo rin nagsimula ang lahat.. sa iloilo rin siguro magwawakas... sana.. maghahanda ako.. pero di ako maghihiganti.. bkt naman dba? ala naman akong sinabi.. kala ko matalino ka.. ang ironic naman tlaga kasi.. kung anong broad ng imagination mo.. sya namang close minded mo... ewan... ganun yun.. wag mo na ikaaila.. kasi ganun yun.. ganung ganun.. ala na akong tym para magsulat.. kaya ko to.. mundo lang yan.. lalaban ako..

wala naman akong sinabing tatalunin kita.. pero ung mga pangyayaring namagitan ang lulupigin ko.. nagiisip ka ba? nanay pen salamat sa mga words of wisdom mo nung grad ball.. di dapat ako nagpapalamon.. may katwiran ako.. makitid lang talaga sya.. matagal na akong masama.. paninindigan ko na...

kaya mo yan dean!! ayos parang full house...

susubukin kong maghanap ng pc sa iloilo... at mas marami pang alibata.. ihahandog ko sa inyo.. salamat...

Wednesday, April 27, 2005 @11:49 PM

ang mundong inangkin ko...

ngaun palang binabalaan ko kau na di kayo makakarelate sa isusulat ko.. pasensya na ha...

simpleng pamumuhay lang ang pinangarap ko.. at di ko lubos maisip kung bakit ako kelangang mapasok dito.. sa sobrang bigat na problema.. kailangan mo ng makakausap.. kaso huling araw namin ni avir kanina.. di pa naman huli.. pero matagal na panahon ulet ang kasunod.. dapat masaya ako ngaun.. wala akong dahilan para umiyak... dahil pag umalis ang taong mahal mo... di ako iiyak.. kasi malapit pa rin sya.. ganun kapag mahal mo eh...

kaso ngaun haharapin ko ang final boss mag-isa.. at inaamin ko.. natalo ako.. talong talo.. luhod sa putik.. yuko ang ulo.. nakahanda na para tanggapin ang matalas na espada para dumampi sa likuran ng leeg ko... ansakit... sobrang sakit.. lumabo ang paningin ko.. di ko makita ang monitor.. kasabay nito maalat.. kasabay nito pumatak ang ulan sa labas.. signus na to... bumabalik ang mundong inangkin ko..

isa kang klase ng tao na akala ang mundo ay umiikot sayo.. sa totoo di ko naintindihan.. pero ang emosyon kasama nun.. nakakasugat.. naguguluhan ako.. di ko masagot magisa ang mga tanong na naglalaro sa isipan ko.. sana test nalang ito.. multiiple choice... a, b, c, d... tapos shotgun na lang... kaso inde eh... kelangan mo ng mapaglalabasan.. kelangan mo ng makakausap.. kelangan kita... sobrang kelangan kita!!!

lagi nalang akong mali.. lahat nalang may palpak.. may sablay... nagiisip naman ako.. nakikiramdam.. eh bat ganun... bat ganun!!!!! ansarap umiyak.. masarap kasi wala akong magawa... iiyak ako ng sobrang lakas para umagaw ng atensyon ng iba... paparating ko na kelangan ko ng tulong.. di ko na kaya.. indeng inde..

pinaglalaruan ko ba ang feelings nyo?? sumagot kayo!!! kayong mga nagbabasa!!! kaw kat.. kaw jay anne.. kaw kathlene.. kaw joy.. kaw gelain.. kaw aleth.. kaw dani.. kaw yeye... kaw stella.. kaw anna... kayo!! marami pa kayo!!! pinaglalaruan ko ba kau!!! sumagot kayo!! para ako na mismo ang huhusga sa mga naging kasalanan ko at ako na rin ang magpapataw ng parusa.. huhuuuuuu... .ayoko na!! ayoko na po... di ko na kya....

aleth di talaga ako mabaet.. kasi namimili lang daw pala ako ng pagkakabaitan ko.. huhu... napansin nya un? kayo napansin nyo ba? kung totoo man... kung sakaling totoo man... salamat talaga aleth.. isa ka sa mga napili ko... di ako nagsisisi sa mga napili ko... kasi tinutulungan nyo ako..

isa ako sa mga pagkakamali ng diyos.. masasabi ko tuloy na di rin sya perpekto.. dahil nagkamali sya sa pagbuhay sakin.. ansama ko talaga... inde... inde ako masama... sobrang lapit ko na sa panginoon sa mga nakaraang mga buwan.. bagamat walang relihiyon.. ang mahalaga may diyos... pero mapapalayo na akong muli a kanya.. ngayong napagtanto kong ako ay may depekto.. rejected sa factory.. dapat paniwalaan ko ang mga sinabi nya tungkol sa akin.. di ko itinuring na galit un.. salamat.. naniniwala ako sau kung gaano ako kasama.. dahil ang isang blasphemous na nilalang ay walang nasasambit na mabuti.. at di rin ako naging mabuting alagad ng diyos.. kasi di ko nasusunod ang mga utos Nya..isa lang ang nagawa kong mabuti.. ang paniwalaang andyan Sya palagi.. di tulad mo.. marami kang nagagawa.. kaya di karapatdapat na pagdudahan ka..kahihiyan ako.. malaking kahihiyan sa mundo.. pinaniniwalaan kita.. dahil sabi nga ng mga mabubuting tao.. ang taong inde nainiwala sa diyos... pinaniniwalaan lahat..

binabalaan ko kayo.. wag na kayong iiyak kung ako lang ang dahilan.. di ako karapat dapat iyakan..

sinusuko ko na ang lahat.. at binabalik ko na ang mundong inangkin ko.. di ko na sya kayang alagaan.. kayo ng bahala..

bukas makikiisa na sa dagat ang mga talagang nasa kanya.. dahil ang dagat lang ang kayang magtago ng mga bagay na di kasya sa kahon.. sa mga bagay n di kasya sa isip.. mga bagay na di kasya sa puso.. dahil sa dagat ang bagay na walang halaga.. ngkakaroon ng importansya..

di ko na talga kaya... nasuko ko na lahat.. pero meron pa akong di papakawalan.. kasi naghihintay sya... iiyak na ako ngaun.. uubusin ko na ang luha ko.. at idedecode na ang lahat ng alibatang alam ko..

sa pagkakataong to.. may lilisang pagkatao.. kalimutan nyo na.. inde namn mahalaga...

Tuesday, April 26, 2005 @5:10 PM

ang kahon ng mga alaala...

sa wakas at nakuha ko na rin ang form 137 ko... ibig sabihin galing ako sa skul... sa sobrang init at dahil sa wala naman masyadong tao... pinili ko ng umuwi... tapos habang nakasakay ako ng fx naisip ko na kelangan ko palang dumaan sa sm fairview para tignan kung kelan ipapalabas ang shutter.. nung huling punta namin doon ng ate ko.. sabi sa tarpaulin ng shutter na ipapalabas na un sa april 27, wed... kaso pagbalik ko kanina... nagiba na ang date.. may 04 na... kalungkutan talaga.. baka kasi di na nya mapanood un sa sine eh.. pano kaya kami bukas? bahala na nga lang...

tapos may natuklasan ako.. di ko alam kung ngaun lang to o ignorante lang talaga ako.. napansin ko na pag tuesday pala 50 pesos lang ang premiere at de luxe sa sm fairview.. tapos pagsapit ng alas tres bumabalik ito sa mahal na halaga.. wala lang... para lang alam nyo..

pag-uwi ko.. naisipan ko ng mag-impake ng mga damit na dadalhin ko sa iloilo.. tapos sa pagliligpit ko.. muli kong napansin and dalawang paperbags.. ung isa ay naglalaman ng mga gift wrappers at iba pang maliliit na paperbags.. ung isa naman ay naglalaman ng isang kahon at iba pang mga gamit na tinatago ko.. ung mga gift wrappers pala ay ung mga nakabalot dun sa mga regalong natanggap ko... ganun na rin sa mga maliliit na paperbags.. tinatago ko sila dahil mahalaga sila sakin.. haha.. kala nyo dahil sa lalaki ako binabalewala ko nalang basta basta ang mga yan.. dyan kayo nagkamali.. haha.. pero ang pinakamahalaga sa lahat ay ung isang puting kahon.. na tinalian ko ng orange na laso.. aun.. binuksan ko ulet.. at nagulantang ako dahil napakarami na ng laman nya... at ang ilang pinakamahahalaga ay ang mga sumusunod...

-fhm magazine na july 24 issue... ang cover girl ay si asia agcaoili... ito ay niregalo sakin ni james nung huling krismas party na binigay sakin sa harap pa ni mam carmona.. nyahaha
-medyas na bigay ni pen at labli nung pasko
-ung lyrics na 'sinta' ng sugarfree
-ung blue na nilalagay sa kamay na galing kay hmm... ke ruth ata..
-ung orange na nilalagay rin sa kamay at orange na medyas.. na galing ke katrina at kat
-ung black na sintas na galing ke karen
-patches ng kisay.. ung sariling design ko.. ung iligal na ginagamit ko.. haha
-patches na binigay ni gian.. dalawa un
-id ko na ginamit sa 1st national science-mathematics congress of regional science high school na may signature pa ni... ung channel two na broadcaster.. mariton pacheco? di ko alam spelling eh.. at di ko sigurado kung sya nga
-lapis na ginamit ko nung upcat
-ung red na bracelet na hiningi ko kay maimai
-ung stub nung gradbol
-ung ginamit ko nung prom na sleeves
-ung ginamit ko nung gradbol
-cd ng disturbed
-mga sulat na nasa green na sobre at orange na papel
-hapi holidays card na galing ke gelain
-sulat na nasa cheke
-ung sobra sa pink na sinulatan ko ng napakahabang sulat ko ke avir
-sticker ng diadora na may pirma ni ramon bautista sa likod.. at sabi "dean, astigas!"
-ung dalawang pink na sulat na may lamang pilas mula sa diary
-mga sulat ni anna
-dalawang tuyong white roses na galing sa misa..
-sulat ni pay
-sulat ni joy
-ung drawing na bigay ni dani
-tatlong stars na kulay orange, pink at yellow
-four leaf clover
-simcard ng sun.. na kasunod ko ung number nya
-lens na ginamit nya nung prom
-bola at plastic balloon na napanalunan namin sa cs
-valentines letter, krismas letter, sulat na nasa index card, sulat na nasa dahon, sulat na nasa white balloon, at sulat sa likod ng pic ni ramon bautista... lahat galing ke avir
-bow at ung bottle na pabango nya
-ung napakaraming maliit na papel na tagak... nakalagay sa gintong pig..
-voodoo doll at ung bunny na tumutunog pag pinipindot ang tiyan na galing sa kanya..

hehe... yan ung mga importante... may iba pa... dati ung bracelet na may datu nakatago lang dyan eh.. kaso may kung anong pumasok sa isip ko at sinuot ulet un.. at nawala ng kapatid ko..

napakarami na pala ng laman nung kahon ko.. tapos may narealize ako.. nahanap ko na ulet identity ko...buti nalang may mga alaala ako.. na pwede kong balikbalikan kung gusto ko makita ang nakaraan.. haha... napakahaba na siguro nito.. cge maya ulet.. nakalimutan ko na ung mga iniimpake ko eh.. haha

Monday, April 25, 2005 @9:02 PM

naglevel down ako ngaun...

naguguluhan ako ngaung araw na to.. di ko alam... di ako mapakali... ang init pa.. gusto ko ng matinong kausap.. inde pala matino.. ung pwedeng sabihan nung mga nararamdaman ko ngaun... kahit sino... gumawa na nga ako ng ym ko ngaun.. add nyo nalang pala ako.. tatlong_tuldok... ay ewan..

tatlong tuldok talaga ako ngaun.. kasi nawawala identity ko.. kung baga kay ippo.. nawala ang sariling style ng pagboboksing... haaay... kagabi pa ako may iniisip.. bat ba kelangan nya pang magparamdam eh.. di ko tuloy alam kung rereplyan ko ba o hinde.. eh sabi ko sa sulat ko sa kanya... na di na ako manggugulo.. di na ako makikipagusap... anlabo naman... seryoso kaya ako! wala na tlaga akong balak... nakakaasar.. parang gusto ko magreply para lang sabihin sa kanya kung gaano ako kaseryoso na tama na... nakakalungkot lang alalahanin ang nakaraan..

bwiset na friendster yan.. nakita ko pa ung account ni rio.. grrr.. ang naisip ko tuloy na naglevel down ako pagkatapos ang lahat.. di na nga matuturing na kaibigan.. mas mababang uri pa ke rio... nakoo naman talaga.. trojan ako!! di papadaig sa taiwanese.. grrr... naaasar na ko sa sarili ko.. teka... bat naman ako nagiisip na ganito?? anlaboo talaga... di ko na talaga alam...

andami ko talagang alibata ngaun.. di ko maexpress.. dahil ang mga salitang maglalarawan sa kanila ay parang hindi pa natutuklasan... kaya di nyo siguro maintindihan... tatlong tuldok talaga ako ngaun.. ano naman kaya sa isang babae kung ang isang lalaki ay magtatlong tuldok? maintindihan naman kaya nila.. sana lang...

bsta ala ako sa sarili ngaun.. bukas nalang ako magsusulat ng matino... bsta seryoso ako sa mga sinabi ko... at wala na talaga akong balak na isauli un... kasi nakaseal na sa kahon... at ayaw kong sirain ang kahon para lang doon... haaay...

mga tao... ym kau bukas ha.. chat din kayo... kelangan ko talaga ng kausap...

Saturday, April 23, 2005 @9:43 AM

ayan ang aga kong nagising ngaun... at ang unang bagay na binalak kong gawin ay ang mag-PS.. pero sa ganitong bakasyon mas maayos kung ang lalaruin ko ay ung mga rpg game.. kaso nalaro ko na ung mga nasa bahay.. at wala pa akong bagong game na pagkakaabalahan ko.. kaya sa ngaun blog nalang muna ulet..

basta bakasyon sinisigurado ko na may rpg game akong matatapos.. ilan na sa mga iyon ay ang chrono trigger, chrono cross, final fantasy 9, legend of legaia, tales of destiny, at marami pang iba... ang mga larong yun ay magaganda at nagbibigay ng mga aral.. ang iba inspiration.. ang iba enlightenment.. ang iba simpleng saya lang..

pero kung madrama kang tao.. mairerelate mo ang sarili mong buhay sa mga larong yan.. sa love story, sa fight scenes, sa misadventures, sa kwento mismo, sa personality ng characters, parallel situations, at ang pinakamatindi sa pagkalaban sa mga boss. Syempre dahil boss sila.. mas nakakachallenge sila kalabanin.. di pwedeng laban kaagad.. meron munang mahabang palitan ng dialogue.. dahil boss sila.. dapat lagi kang handa.. fully equipped.. nasa sapat o higit pang level.. may sapat ng karanasan.. nasa konsentrasyon.. naintindihan ang kwento.. alam hanapin ang weak spot.. at kung matatalo ka man.. dapat nakapag-save ka muna at sa pagload mo alam mo na ang mga maling di muna dapat gawin muli..

kaso sa tunay na buhay.. walang rewind... walang save.. walang load.. kaya dapat ang mga gagawin mo ay dapat mapagisipan ng maige.. dahil pag nawrong move ko.. mawa-one hit ko ka.. tapos laspag na ang sandata mo at basag na ang kalasag.. mahihirapan ng bumangon.. matatakot ng lumingon.. pero kahit wala ng load.. reset nalang natin dba? haha.. papano pakamatay ka at hintaying mareincarnate.. haha..

sa 16 na taon at 9 na buwang game time ko sa mundong ito... andami ko ng paglagpak na naranasan.. mga pangyayaring di ko na maulit.. at ang pinakamatindi.. marami na akong boss na kahit papano ay aking nalupig.. hehe.. ito ang iilan sa kanila..
a) ang magulo at maruming Pilipinas - sa araw-araw na ginawa ng diyos.. lagi akong ginugulo ng bansang ito.. makalat na daan, maingay na paligid, maitim na usok, maruruming mga bata, nagdarahop na mag-anak, wasak na pamilya, lumalaking populasyon ng mga hip-hop, tumataas na pamasahe, pumapangheng mga daan, traffic na kalsada at marami pang iba.. sa sobrang lakas ng kapangyarihan nila di sila madaig ng ultima weapon ko.. kahit manatili na ung ibang suliranin.. bsta higupin lang ng black hole ang mga hip-hop.. haha...
papano tatalunin? - simple lang... dahil sa dami nyan syempre inde kaya.. sundin nalang ang kasabihan.. pag di mo madaig ang kalaban mo.. makiisa ka na lang.. nyahaha.. wag lang ung hip-hop.. haha
b) ang mga utak-talangka - malalakas at mapaminsala.. kapag nasa tugatog ka na ng tagumpay.. yayayain ka pababa para uminom ng beer.. at malalaman mo sa huli.. talo ka na at wala na ang mga pinaghirapan mo..
papano tatalunin? - matatalo ka lang naman nila kung magpapatalo ka sa hypnotic powers nila.. matutong makiramdam.. at piliin ang mga kaibigang alam mong di ka ilalagay sa alanganin
c) ang mga bad guys - kasama na dyan ang mga holdaper, mangingikil, baliw na nananakit, taong grasa na namamahid, nanunutok ng bolpen at lapis...
papano tatalunin? - manatili sa mataong lugar.. at panatilihin ang konsentrasyon.. makiramdam.. makinig.. pag kinukuha na ang cellphone mo.. bigay mo na lang.. kesa gripuhan ka sa tagiliran... pag akmang bubugbugin ka.. gamitin ang pinakaepektibong martial arts style.. tumakbo ng matulin sa abot ng iyong hininga.. haha... kahalintulad yan ng escape button sa mga rpg games.. hehe..
d) mabababang grades - pag nakita ng nanay mo ang report card mo.. gigisahin ka nun.. at maraming bagay ang mawawala sayo.. new phone, ps2, lakwatsa at dagdag na baon..
pano tatalunin? - sa totoo di ko alam eh.. kasi matalino ako.. nyahaha.. at walang pakealam parents ko.. seryoso ang pinakatamang gawin kung tamad kang mag-aral.. matutong makinig at intindihin.. para paguwi sa bahay mo di ka na magbubuklat ng ntbk at libro.. di ka na maguuwi ng maraming gamit.. pag test na at di mo na masagot.. ang pinakaepektibong paraan.. shotgun.. haha
e) problema sa kaibigan - madalas to.. at napakahabang labanan ang kakailanganin para lupigin..
pano tatalunin? - communication at magkaroon ng interes na ayusin un.. dagdagan ng tiwala... at ayos na
f) magulang ng special someone - ang pinakanakakataranta.. mapapasigaw ka talaga ng "panic time!".. haha.. minsan sa mga di inaasahan at alanganing pagkakataon.. mabibiyayaan ka ng meet the parents.. at dito masusukat ang level ng kaalaman mo.. at ang diskarte para makalusot..
pano tatalunin? - gudlak na lang.. ipagdasal mo na swerte ka sa pagkakataon un.. manatiling kalmado para di halatang may tinatago kayo..
g) kalungkutan at kabadtripan - ang mga pinakanakakahawang sakit... pag nalungkot ang kaibigan mo.. nadadamay na sa kabadtripan ang lahat.. ang hirap ng lunas.. at napakahirap kalaban.. dahil ang sakit manunuot sa katawan, puso at isip mo.. at ang magiging kalaban mo ang sarili mo.. at syempre di mo pwedeng bigyan ng finishing move ang sarili mo dahil baka ikamatay mo..
pano tatalunin? - unti-unting i-chir up ang sarili.. hanapin ang mga bagay na nakakapagpasaya sayo... pag mukhang tutulo na ang luha.. wag pigilan.. hayaang lumabas.. at subukang harapin ang pinagmulan ng sakit.. pero tandaan na okei lang maging malungkot minsan... para magkaroon ng kahuluan ang salitang "minsan"
h) taong di nakakaintindi - mga kalaban dahil binibigyan ka ng problema.. pero di mo naman masisi kung talagang malalim ang mga alibata...
pano tatalunin? - di kelangang talunin.. matuto lang maghintay ng tamang oras na maiintindihan ka nila

at ang final boss sa disc one ng buhay ko...

i) pare - ang hirap talunin dahil di tinatablan ng direct blows.. masyadong misteryoso at mahilig sa counter-attacks.. hahanapin ang maling ginawa mo saka ibabalik lahat sau sa mas mataas na kapangyarihan.. marami rin alibata na di madecode ng mga senses ko.. di ko sya natalo.. pero nagkaroon ng pact.. ang mundong pinagaawayan namin.. mahahati sa dalawa.. bahaging akin na wala sya at bahaging kanya na wala ako..
papano tatalunin? - mali ang term na tatalunin.. dahil di un ang sagot sa problema.. bsta matutong ilabas at i-open up ang mga nararamdaman.. magfail man.. kahit papano may ginawa ka.. sinubukan mo.. at sa pakikipaglaban sa ganitong tao.. siguraduhin mong may mapupulot kang magandang aral.. at siguraduhin mo na di na mauulet sa iba.. pagkatapos ng laban at pagkatapo i-unleash ang mga final blows.. matutong intindihin ang bawat isa.. matutong ibaon ang nanlalamong nakaraan.. at ang tamang alalahanin ay ang masasayang araw na magkasama kayo..

marami pa yan.. sila lang ang mahalaga... ang mga boss na yan ay inde nagpakita sa katauhan ng malalaking halimaw o di kaya sa mga taong may pambihirang kapangyarihan.. bagkus mga simpleng ganun lang.. pero may malaking impact sa buhay ko..

haay.. ayan.. tapos na rin.. napakahaba na ng strim na to.. marami pa akong kakaharaping kalaban.. kaya abangan ang susunod na release ng cd.. sana bumili kayo... dahil pag binenta nyo ang sa inyo sa akin.. wag kayong mag-alala.. bibilhin ko ang sa inyo..

Friday, April 22, 2005 @10:07 PM

ngaun araw ay ang kaisa-isang pagkakataon namin na mapuntahan ang bahay ni godfrey.. pero sa totoo lang kinaumagahan ko lang nalaman na roon pala ang destinasyon namin pagkatapos kuhanin ang mga grad pics.. mga 2 na ng tanghali ng lisanin ang mcdo carpark.. kami ay sina ging, bambam, cris, ben, lovely, avir, gee, pj at ako.. nang malapit na kaming dumating sa terminal.. humiwalay samin si cris dahil sinunod niya ang dikta ng kanyang puso at mayroon syang pinagpalang misyon na lubhang mas mahalaga kesa sumama sa amin.. sumakay kami ng fx na patungong don antonio.. nagmukhang service namin ang pulang sasakyan.. ayos ang air-con.. sapat na para pawiin ang nakakatunaw na init.. bumaba kami sa ever.. sinamahan pa namin sa bam.. humiwalay muna kaming apat nina g, lovely at avir upang mamili ng kakainin.. ang nabili namin ay 12 chili-mansi na pansit canton at dalawang malaking LaLa.. haha... nagkakahalaga ang lahat ng iyon ng 96 pesos at sa kabutihan ng aking loob.. nagambag ako ng tumataginting na 6 na piso.. haha.. paglabas namin ng grocery.. hinarang kami ni avir.. may promo raw.. at may souvenir item na kapalit ang aming resibo.. yakk.. isang pink na bolpen.. tapos nagsimula na syang magsalita tungkol sa wonder products nya.. ung parang mga binibenta sa channel 5... ung may "what an offer!!" anlabo... sinasayang niya ung oras namin.. estudyante lang kami at wala kaming pambili nun.. tapos napagalaman namin na humiwalay na rin si bambam.. ergo 7 nalang kaming maglalakbay.. sakay kaming dyip.. baba ng sandigan.. tapos sakay ng tricycle.. nilakad namin.. tapos may daanan pataas.. at sa mataas na bahagi.. kung saan matatanaw mo ang mga kabahayan at ang mga kabundukan.. nakatirik ang bahay ni gee.

nakakatuwa sa bahay nila.. ambaet pa ng mga magulang.. mga kababayan ko pa sila dahil parehas silang tiga-iloilo tulad ng mga parents ko.. binusog kami sa maraming pagkain at nilunod kami sa maraming rc cola.. tapos may natutunan kami ni pj.. malakas ang amats ng combination ng chili-mansi na pansit canton at rc cola... mainit at gumuguhit.. lumabas ako at tumungo sa lugar nina ben at avir sa labas.. nakahiga si avir sa duyan samantalang si ben ay nakaupo hawak ang isang dyaryo.. nagkekwento.. marami kaming napagusapan.. mamaya konti.. kinwento ng nanay ni gee ang mga kasablayan na nagagawa ng kanyang butihing anak.. hehe.. tapos na-open ko sa kanilang dalawa.. na sila ang mga pinakamalapit sa akin.. at sa ben lang ang tanging lalaki na maraming alam sa buhay ko.. lumulubog na ang araw at nangangahulugan un na kelangan na naming iwanan ang bahay.. eto ang huli naming lakad na magkakasama... sayang nga at wala pa si nanay pen.. mas masaya sana..

@8:59 PM

ang bike para sa di nakakaalam ay isang cycle na may dalawang gulong.. at napapaandar sa pamamagitan ng pagpipidal.. ito ang kadalasang laruan noong ating kabataan.. di lahat ng tao ay namamatay na nakapagbisekleta minsan sa buhay nila.. dahil ang pagbibisekleta ay nangangailangan ng matinding konsentrasyon at lakas ng loob.. mga bagay na hindi nila sinubukang isakatuparan..

may mga litrato ako sa bahay na nakabike ako.. may pang balanse pa si magkabilang gilid ng gulong sa likod... un ay para maiwasan ang aksidente at masugatan ang mura kong balat.. nakakatakot sya... dahil baka matumba ka at sa isang iglap.. ang kasiyahan mo ay mapapalitan ng pag-iyak..

natuto ako ng matinong pagbibisekleta ng napagtripan kong pakealaman ang bike ng kapitbahay namin.. wala na syang pambalanse.. nakakaasar dahil ang hirap ibalanse ang katawan at ang bike at gawin ang unang pidal... masasabi ko na ang unang pidal ang pinakamahirap.. pero napakaimportante nun.. dahil ang mahalaga ay pinaghihirapan... at ang isang malayong paglalakbay ay nagsisimula sa unang hakbang.. dahil sa matalino ako.. nyahaha... dun ako nagtungo sa pababang daan.. para ang pull of gravity na ang gagawa ng unang pidal.. at ang gagawin ko nalang ay ang magbalanse.. isinagawa ko na ang aking balak.. sa simula ang lahat ay umaayon sa aking plano.. sumasaya ang bawat acceleration.. ngunit may nangyaring linid sa aking balak..

malapit na ako sa pangalawang kanto.. dalawa pa... tapos brake na... kaso inde... may dumaang kapwa bata.. wala akong ibang pwedeng gawin kundi ang umiwas.. pwedeng sa kanan o di kaya sa kaliwa... di ko na matandaan ang pinili ko.. bsta pagkatapos nun... marunong na akong magbike...

mainit ang araw na ito... at walang ibang matinong gawin kundi ang makipagkwentuhan.. tapos sa skul grounds.. may isang bike.. hiniram ko.. medyo nag-alangan pako dahil baka di na ako marunong... nakaligtaan ko na may mga bagay na pag natutunan na.. kelan man ay di na maaaring makalimutan... at isa roon ay ang mag-bike.. ayos iba ang pakiramdam.. di ko maramdaman ang init.. at sa mga panahong un ako lang ang may bike.. at ang pwedeng gawin lang nila ay ang manood sakin..

habang tinatahak ko ang field.. may naglaro sa mga paningin ko.. hmm.. bkt parang iba ang mukha ng kapaligiran pag asa bisekleta ka? samantalang kisay pa rin naman un.. pero iba ang kisay pag tinanaw mo habang naglalakad kesa habang nagbibike... parang nanibago ako sa paligid.. para akong dayuhan.. pero bagamat di tiga roon... di nakakaramdam ng pangungulila.. ung hanging dumadampi sa mukha ko parang ni-manipulate ang mukha ko.. pinangiti nila ako... at may sariling harmonya ang mga tunog ng mga tuyong dahon na nagpipiraso pag nadadaanan ng gulong..

tinakas ako ng bisekleta sa maraming problemang sinasarili ko.. problemang natatakot akong maisiwalat.. dahil para syang kumakain ng pagkatao.. ngunit ng papalapit na ako sa calalay.. nakita ko ang sinta ko.. napagtanto ko na ang mga naganap ay nakakalinlang.. di ko dapat tinatakasan ang mundong kapiling sya...

parang may paulit-ulit na nagsasalita sa tenga ko.. boses nya... paulit-ulit nyang pinaalala.. "mundo lang yan... lalaban tayo.." napangiti ako.. oo nga pala... isang tampalasan lang ang kakalimot doon... tama na ang pansamantalang paglalaro... ibabahagi ko na ang bike.. at babalikan ang mapanghamong mundong nakalaan sa aming dalawa..

Thursday, April 21, 2005 @7:12 PM

wala akong balak pumunta ng skul ngayon dahil baka lumala ulet ang lalamunan ko.. kaya nakaset sa utak ko na magigising ako ng 9 ng umaga.. ayos.. .sakto talaga dahil ganong oras ako nagising.. walang makain... tapos sabi ng ate ko na tumungo kami ng sm pagkatapos ng tanghalian.. dahil bibili na kami ng tiket papuntang iloilo.. buti di ako tinamad.. naligo agad ako tapos nagbihis... tapos nanood ng tv.. ang ganda ng palabas.. jerry springer... ang halay naghuhubaran... labag pa naman sa paniniwala ko ang mahahalay.. haha... nakalimutan naming kumain ng tanghalian.. tanghaling tapat... ang init... dahil sa aming kabobohang taglay... itim at dark blue ang mga suot namin.. ang praktikal talaga.. damang-dama namin ang heat waves.. sakay kagad kami ng fx... sa di inaasahang pagkakataon.. nagkatugma ang iniisip namin ng ate ko..

sa likod kami sumakay at may isang babae... teenager... maputi.. nakadilaw... sa unang tingin ko palang.. pakiramdam ko na talaga na nakita ko na sya.. tapos biglang may pinakitang gestures sa ate.. positibo.. namumukhaan din nya.. teka.. parang kamukha yun ng kapatid na babae ni arvin.. tiningnan ko ang ibang mga pasahero sa asul na fx.. baka kasi andun si arvin.. at kasama sa plano nya na isakay kami.. at dalhin sa malayong lugar.. gagantihan.. papatayin... nyahaha... wala naman pala.. buti nakarating kami ng sm ng ligtas... ngunit di namin napatunayan kung sino yun..

anlamig talaga ng sm.. nakakarejuvenate... tinuring ko ang sm ng mga panahon na un na isang healing spring.. pero batid ko parin na ang tumingin, jumingle at ang air-con lang ang mga libre... nagugutom na ako... pagbaba ng hagdan.. may isa na namang babae ang nasalubong namin.. may kamukha sya.. at mukhang nakita ko na dati.. hmm.. tapos ang ate ko... sinabi sakin na may nakita syang familiar ang mukha.. tapos tinuro ko.. haha.. tama nga... parehas pa ulet kami ng ate ko... pero di naman nakilala..

pag-akyat sa sinehan... nakita namin ang isa pang familiar na mukha... maliit, maitim, babae, payat.. pero sa pagkakataong ito mapapangalanan na namin sya.. sya ung iskulmate namin nung elementary.. kaso mas matanda sya sa akin ng isang taon.. di namin binati.. baka magkamali kami...hehe

natapos ang aming paglalakbay... pero di kami nakabili ng tiket.. haha... e di uwi na kami.. fx ulet dahil ang init ay humihiwa sa aking mga kalamnan.. sa gitna kami umupo...sa isang kolorum na fx.. waaah!! ung babaeng nakadilaw sa dulo.. namumukhaan ko.. napansin ako.. biglang lumipat sa harap.. bakit kaya?? tapos may nilabas syang gamit sa bag nya.. maliit lang.. waah!! T100 na fone.. ayos to ha! kakulay pa nung akin.. pinansin kong maige ung mga gasgas... hmmm... tulad ng sakin ha? tinignan ko ang lcd.. langhiya... ganun din ang akin ha! kaya pala namumukhaan ko.. sya pala ung katabi namin ni lisay nung naiwan ko ang fone ko sa fx.. anlapit ko na.. pero wala akong magawa.. ano naman ang patunay ko... magmumukhang tanga lang ako! pwde naman nyang ikaila na nagkita kami.. grr.. may mga bagay talaga na abot-kamay na... sasablay parin.. bsta kaya pala kamukha... sya pala ung kumuha..

cge okei lang.. pamigay na.. wala na ung sim doon eh.. kahit wala na ung fone.. kasi mapapalitan pa.. pero ung sim sobrang malabo na.. baka binenta na un sa bangketa.. sa halagang 25 pesos.. tangina.. di nila alam na priceless un...

bsta.. wala na sakin un.. nakaraan na eh.. pero may naisip ako.. kaya nga kahit magkakahiwalay na tayong mga batch 05.. okei lang.. magkikita at magkikita parin tayo.. haha... maliit nga ang mundo diba?

Wednesday, April 20, 2005 @11:33 AM

ilang araw na akong di nakakakain ng matino.. un ay dahil sa masakit ang aking lalamunan.. nagsimula ito umaga ng lunes.. at ang dahilan.. kawalang disiplina..

may cake kasi nun.. binigay ke pj.. parang tsokolate ata.. at may 17 asul na kandila... tama ba? napagdesisyunan namin na kainin un sa mcdo.. nagyaya ng mga kasama.. sa pagkain di mawawala ang pantulak sa pambara.. bumili ako ng large coke.. nalagasan ako ng 25 pesos.. nilamutak ang cake.. haha.. ansarap.. tapos sa sobrang tamis.. mauuhaw at manunuyo ang lalamunan mo.. isang malaking pagkakamali... ang dapat na iniinom ay tubig at hindi coke..

ang tanga talaga.. kapag kumain ka ng matamis.. nawawalan ng bisa ang kamandag ng coke.. pero sa kabila ng lahat.. ininom ko parin kasi iba ang aura.. hehe.. wala talaga akong awa sa patpating katawan ko.. dapat inaalagaan ko to.. dahil sa kawalang pagpapahalaga.. binigyan ako ng magandang parusa ni lord..

kinahapunan.. nahihirapan na akong lumunok.. ansakit na ng lalamunan ko.. di parin ako nakakainom ng tubig.. mamaya konti.. nanghihina na ako.. nauubusan ng lakas.. tapos umiinit na ang katawan ko.. at may lumalabas ng init sa mata ko.. ayan na.. magkakasakit nako..

dapat kasi di ako pasaway.. dapat kasi pinapakinggan ko ang pagbabawal sakin ni avir sa softdrinks.. hehe.. asa huli nga ang pagsisisi... ang nakakatakot lang.. bka mamatay ko.. ampanget namang kamatayan... namatay dahil sa sakit sa lalamunan.. haha.. pero ang problema sa atin.. madalas pakitang tao lang.. pag wala pa yang sakit.. anlakas nating mang-abuso.. pag andyan na saka magiingat.. diba nga prevention is better than cure?? napakapasaway talaga ng mga tao.. pero okei lang naman siguro.. wag lang madalas.. para kahit papano.. may twist ang buhay.. hehe

salamat nga pala sa mga nag-aalala... nagpapagaling talaga ako.. di ko binabalewala ang pag-aalaga nyo.. maraming salamat.. hmm teka.. luto na ang pansit canton.. hehe.. inde sya matamis.. titirahin ko na yun.. haha

Tuesday, April 19, 2005 @8:24 PM

"ewan"... "di ko alam"... "malay"... iilan lang yan sa mga salitang madalas nating naririnig sa ating araw-araw na paglalakbay sa mundong ito.. minsan okei lang mapakinggan.. ngunit mas madalas naaalibadbaran tayong mapakinggan ang mga salitang ito.. dahil parang ang kahulagan nito... na wala akong maisip..

ganun ang lagi nating interpretasyon sa mga katagang iyon... kaya nga pag may nagtetext sa atin... at pag nakatanggap ka ng ganitong mensahe... "..."... tanging yan lang.. masyadong payak.. ang kasingkahulagan sa ating mga nagbabasa nyan.. "aba! ewan ko!"...

matagal na panahoon na rin na ganyan ang paniniwala ko.. pero habang maraming tao akong nakakahalubilo... habang dumarami ang mga nagiging karanasan ko.. habang mas maraming koreanovelas ang napapanood ko... habang mas maraming kandila ang naiihipan ko.. bigla kong napagtanto.. maling-mali..

marami ng nagsabi sakin na maging maingat ako sa mga salitang sinasabi ko.. masyadong daw akong insenstib sa feelings ng iba.. at dahil doon.. dumarating sa point na nasasaktan ko na sila.. dati rati kapag nakakatanggap ako ng tatlong tuldok... naaasar ako at nabobobohan sa taong kausap ko.. sinusumbatan ko na importante sa malayang komunikasyon ang maging open sa isat-isa.... kapag patuloy na nakakatanggap ako nyan... nalalabuan ako.. wala akong maintindihan.. nagsisimula na akong maghimutok.. maaasar.. magalit.. palala nang palala... at sa mga susunod na mauulit ulet yun.. mabubulyawan na sila at di makakausap ng matino... pero para di masira ang pagkakaibigan.. tinuturing ko na biro ang lahat.. ang tatlong tuldok ay hindi tagapaghatid ng di pagkakaintindihan.. bagkus nagpapalevel-up sa relationship na tulad sa isang martial artist..

naintindihan ko na talaga.. kung ano ang tunay na kahulugan ng tatlong tuldok.. lalo pa kung sa isang babae nagmula ito.. ang tatlong tuldok.. tatlong characters lang.. napakaiksi... ngunit ang kahulugan ay napaka-broad.. masyadong malawak.. sasaklawin ang higit pa sa maaabot ng imahinasyon mo.. ang tatlong tuldok naglalaman ng matitinding sikreto... mga sikretong di dapat maisiwalat.. wala pa sa tamang panahon upang malaman at intindihin.. kelangan pang hintayin ang perfect time, mood at place... ang tatlong tuldok.. ang mahiyain at konserbatibong saloobin ng isang babae..

tama nga sila... sa huli ang pagsisisi.. kung kelan nangyari na.. kung kelan nakasakit ka na.. saka mo pa maiintindihan.. basta ganun...bsta sinulat ko to kasi ganito ko nakilala ang isang tao.. haay.. masyado ng magulo ang stream na to.. masyado ng maraming alibata... bsta ang masasabi ko ang tatlong tuldok ay hindi isang alibata... walang dahilan para di maintindihan..

@7:55 PM

anong araw na? ngaun palang ako magkikwento nito.. bat pa kasi ako nagkakasakit eh? sandali lang naman ito..

nakakatuwa at may damit na ako.. mula sa bahay nila pj at sakay ng kanilang chev.. nakarating kami na huli sa nakatakdang oras.. buti pilipino tayo.. di pa sya nagsisimula.. konting batian at pagpuna sa mga suot ng mga tao.. nararamdaman ko na magiging masaya un.. dahil huli na un at wala tayong dahilan para manibugho.. kainan... tapos biglang may awarding.. haha.. nanalo pa nanay pen ko.. at saka si epyang... ayos... tapos fast dance... nakakapagod... napakainit... di ako masyadong nakasayaw.. at tulad ng inaasahan ko.. di maaaring mawala ang mga banda.. nagpakakakaiba ulet ang silicon carne.. tapos ang paborito nating "fruit song".. kasunod pa ice and nails.. bad management.. suspended?.. aun.. tapos nagpapansin ang guest band.. kinain nila ang mga holy hours namin.. nakakairita.. tapos ayan na.. slow dance na... minarapat ko ng unahin si avir.. dahil natuto na ako nung prom.. bka mawalan kami ulet ng oras.. tapos sabi nya di raw sya iiyak... nagulat na lang ako na nababasa na ang kanang balikat ko.. sige lang.. okei lang.. sya un eh.. at mamimis ko un.. pero di na kami nagdrama.. basta matinong pagpapaalam.. magkikita pa naman kami.. nangako akong maghihintay.. mabigat ang binitiwan ko.. di ko sya kakayanin kasi kaya ko talaga.. ang kasunod si dani.. di kami masyadong nakapagusap kasi naiyak din sya.. sa kaliwa naman... magkabilang balikat ko na ang nababasa.. maraming sori.. pero okei lang.. sya un eh.. ang kasunod si gelain.. tulad ng dati.. ayaw na paring ipakita sakin pag iiyak sya.. nakakaasar.. di ako nabigyan ng pagkakataon.. andami nyang sinabi.. natahimik lang ako dahil wala akong masabi.. mas mainam kung makikinig ako.. kahit pinapanood kami ng mga magulang nya.. di na ako natakot.. wala naman dapat itago.. mahalaga sya sakin kasi sya ang una kong minahal.. sa pagkakataong ito.. walang bumasa ng balikat ko.. kasunod si jaja.. ang babaeng laging bukas ang tenga para pakinggan ako.. salamat jaja.. dahil naiintindihan mo ko.. bsta pag magkikita tau.. naka-atlantis ako.. hehe...

biglang naputol.. akala ko tapos na.. di pwede me kelangan pa akong gawin.. buti nalang nagkaroon ng extension.. kinapalan ko na ang mukha ko.. niyaya ko na si jeni.. kelangan ko sya makausap.. tulad ng dati di parin kami nagkaintindihan.. pero ako ang nagsori.. kasalanan ko naman ata talaga.. di ko na ikkwento ng mabuti.. mahabang kwento.. at di kakayanin ng normal na tao ang emosyon na ganito.. mabigat... nakapanlulumo.. hanggang sa uli kinain parin kami ng madilim na nakaraan.. ang kanang damit ko.. basang-basa na.. muntik na akong mapaiyak... buti nalang napigilan ko ulet ang lumuha..

si nanay pen naman ang sumunod.. naliwanagan ako sa mga sinabi nya.. tama talaga sya.. di dapat ako nagkakaganun.. mabuti nalang andyan ka.. tapos dumating pa ang isang anghel.. si aleth.. napatunayan ko na mabaet kang talaga.. tinulungan nyo akong kumalma.. salamat talaga.. mabuhay kayo!! haha..

tapos nakita ko ulet si dani.. naisip ko di kami nagkausap ng matino kanina.. kaya dapat makasayaw ko syang muli.. may sinabi sya.. sumagot ako sa abot ng naiisip kong tama at di makakasakit.. pero di talaga maiiwasan.. naisip ko nung mga panahong yun na masarap syang mahalin... at ang tipo ng babaeng di dapat sinasaktan.. sa di inaasahang pagkakataon.. un na rin pala ang last dance.. lalo tuloy naging memorable ang gabi.. salamat sa inyo..

madaling araw na.. unti- unti ng nauubos ang mga bisita.. lumilitaw na ang mga kalat na iniwan namin.. matinding paalamanan.. bka iyon na ang huli.. maraming umiiyak.. di makayanan ang pakiramdam na mawalay sa mahahalagang tao sa buhay nila.. malabo talaga ako.. di ako naiyak? halos kami na lang ang tao.. nagpalakad-lakad ako sa apat na sulok ng lugar.. nagmuni-muni.. tapos humiga ako sa batong hagdan.. malamig.. nakatingin ng direkta sa kalawakan.. ang payapa ng lahat.. nakita ko ang bituin nakalaan sa aming dalawa.. kung saan kami muling magkikita.. bigla kong nasambit.. sana asa ulap nalang ako.. dahil sa ulap.. madaling makita ang bulacan..

lilisanin na namin ang bahay ng alumni.. sa muling paglingon namin.. ang mga huling bakas ng pinakamasayang bahagi ng aming buhay.. na kahit kelan ay di na maaalis sa aming gunita..

Sunday, April 17, 2005 @11:12 PM

pakiramdam ko.. magiging mahaba ang kwento ko sa grad ball.. kaya mainam siguro kung eto na lang muna.. introduction.... nakakailang post na ako sa araw na ito.. nangangahulugan kung gaano kaboring dto sa bahay..

pagkatapos ng graduation.. may naisip akong problema.. wala pa akong isusuot mamaya.. ambobo ko talaga.. hanggang sa huli ba naman magcacram pa rin ako.. pero di naman ako nataranta.. kc lalaki ako.. pag wala akong nakita.. magagamit ang terminong recycling..

pero yun na ang huli.. ninais ko na magkaroon na matinong damit.. pero pano? wala akong pera.. at di ako makautang ng oras.. kumain ako sa tokyo tokyo.. sumakit ang tiyan ko.. tapos umikot nako sa sm.. ang gabi bago ang araw na un.. ksama ko si lisay.. tinutulungan nya akong mamili.. may napili kami sa sari-sari.. pink... ayos eto na nga un.. ang problema ang mahal.. di kya ng isang mendicant na tulad ko.. at higit sa lahat inde practical.. binalikan ko un.. umaasa akong bababa ang kanyang market price.. asa na lang.. 1400 parin ang presyo nya.. wala ng magagawa kundi maghanap ng iba.. 3:00 na ng hapon.. napadaan ako sa monakiki.. parang may isang damit na nangingibabaw sa lahat.. simple at puti... kusot.. at bumabagay sa personalidad ko.. eto na ang trip ko.. sa abot kayang halaga.. 680 lang.. tama nga.. mas maaasahan ang swerte at pagkakataon kesa sa mahusay na plano.. ang exciting talaga dito sa mundo

di na ako nagpatumpik tumpik pa.. pero di ko na sinukat.. di ko na pinlantsa.. nagtungo ako kela pj.. naghintay.. nagpalipas ng oras.. naligo.. nagbihis.. ilang sandali nalang.. grad ball na.. buti may damit na akong babasain nyo..

@2:13 PM

Like a Splendid Love Song

Spending my days with you
Is like living in a world of fancy
With all the beautiful people I know
Makin’ love in a world
Of vivid colours
How often have I been there

Well it really doesn’t matter
As long as we’re together

You and me together we will journey
To seek and see the colours
Of our fantasies
Come to life with the stroke of your soothing hands
All the questions of life
I will come to understand

Seasons come
And seasons go
Stars will shine
And lose their glow
But every time I try to look back
I know..

You and me in love with each other
There will be no problems that will bother
Just the two of us painting a world of our own
Everything is perfect
Just like a splendid love song

@8:21 AM

andami kong natanggap na sulat noong nakaraang linggo.. at kinutuban ako sa mga yun.. ang mga liham na un ay di basta basta... di ako nagkamali.. mababagabag nga talaga ako..

dati rati parang wala lang ang mga sulat.. ang iniisip ko pa nga noon na ang mga taong di marunong mag-isip at ayaw gumastos ay kumakapit sa paraan na ito.. di ko binibigyang halaga ang mga iyon dati.. bakit? ewan ko.. indifferent nga yata ako.. iilan lang ang napepreserve ko.. pag sobrang mahalaga lang sila..

sa wallet ko may mga sulat na napakatagal ng nakatago.. halos manilaw na ang papel.. ang iba ay may mga punit na... pinanipis na ng panahon.. nadumihan na dahil nakalimutan ng bigyang halaga.. ang mga iyon ay nagmula ke gelain.. importante sakin ang mga sulat nya.. nawala na nga lang iba dahil nawala ang unang wallet ko.. may natago pa ako.. isang tula.. nakakaantig.. nakakaiyak.. pero pinigilan kong lumuha..

check ko nga ulet ang wallet ko.. hmm si jeni pala me sulat.. sapilitan pa ata.. ayan tama ang kutob ko.. sinabi nga nyang ang corny nun.. may mahalaga bang nilalaman.. oo naman... maraming hinanakit.. maraming sama ng loob.. magulo.. nakakaiyak.. pero pinigilan kong lumuha..

dahil nga sa iiwanan ko na ang skul at di na kami magkikita.. ikinaligaya ko na sumulat sa mga ntbk ng mga tao.. pinupuyat ko ang sarili ko pati ang ate ko dahil sa silaw na dulot ng bombilyang nagiisang tanging maliwanag sa kalye ng cairo.. ung iba talaga napasaya ko.. hinabaan ko sa abot ng mga alaala at tinta ng bolpen ko.. at mga mensaheng iyon ay may kapalit pala.. nabigyan din ako.. mas mataas nga lang na antas ng emosyon..

si anna.. dalawa ang natanggap ko sa kanya.. isang liham ng paghingi ng tawad at isang lihim ng pasasalamat.. andami kong naisip.. nakakapagpalakas ng pagkakaibigan.. nakakaiyak.. pero pinigilan kong lumuha..

si dani.. di ko inaasahan.. mahaba.. nakasulat sa orange na mga papel sa asul na ink.. halatang pinagpuyatan dahil may kakaiba sa kalagitnaan.. may kasama pang drowing.. binasa ko kinahapunan.. di ko alam kung ano sasabihin ko.. napakasama ko sa kanya.. nasaktan ko sya... di nga lang direkta.. dapat makabawi ako.. dapat makapagusap kami.. nakakakonsensya... nakakatunaw ng puso.. nakakaiyak.. pero pinigilan kong lumuha..

si jeni ulet.. nakwento ko na naman.. ang laman nya magkakahiwalay na sulat.. at mga pilas mula sa kanyang diary.. talagang di talaga pwede.. inde inde.. maling mali.. pero magpapakumbaba pa rin ako.. makikipagusap ako.. hihingi ng tawad.. magpapaalam.. pero pipigilan kong lumuha...

si gelain ulet.. liham sa likod ng isang tseke.. katulad pa rin ng dati... pababaunan ka pa ng ngiti..

haay... isipin nyo siguro.. na andami kong babae.. sa katunayan inde... sila lang ang mga nangibabaw.. sila ang pinakamahalga.. di ko man nasuklian ang iba.. maaari naman sa ibang paraan.. ngunit may isa pang kulang... hinihintay ko pa ang liham na nagmula sa taong nagturo sakin ang kahalagahan ng mga ito.. ilang araw pa.. nangako sya.. marami na syang nabigay.. pero ang huli ang magbibigay ng bigat.. sasaklawin nito ang lahat.. baka sa pagkakataong ito.. di ko na makaya pang pumigil.. pero inde yun dahil sa malungkot ako.. pupunuin nito lahat ng pagkukulang ko dahil sa lubos na kasiyahin at pangungulila.. mapapangiti.. matutuwa.. maghihintay.. pero ngaun bka di ko na mapigilang lumuha.. sna andyan ang balikat mo.. asa tabi ka para patahanin ako...

@7:49 AM

gumising ako ng mag-isa.. mga 5:30 pa lang ay gising na ako.. nakahanda na ang toga... nakaplantsa na ang pantalon.. makintab na ang sapatos ko na muli kong gagamitin(eto ang ginamit ko nung prom).. tapos na ako sa lahat ng bandang 7:00 ng umaga.. pero may isang kulang.. ang aking polo.. tinanong ko sa nanay ko kung nasaan na ba... at ang kinakatakutan ko... di pa pala ito nabababad... 7 na... 9 ang grad.. isang oras ang byahe.. at uncertain ang tagal ng paglalaba.. di ko alam kung anong magic ang ginamit nila.. dahil sa ayaw nilang sirain ang araw ko.. nagawaan ng paraan.. at ang polo ko maputi, malinis, mabango, at walang kusot.. haha...

dumating kami sa crossroads ng 8:45.. andami ng tao.. bili kami ng nilalagay sa leeg.. ang term pa na ginamit ng nanay ko ay "para magmukhang tribal"... puro kuhanan lang ng litrato ang mga kasunod na pangyayari.. antagal naming nakapila at dahil sa avo ako bandang huli pa kami nakapasok..

may bagay sa akin na nagpamukhang kakaiba sa akin... bukod tangi sa iba pang mga magsisipagtapos.. ako lang ang gagradweyt na hanggang ngaun dala parin ang bag.. ang aking itim na bag na kasama ko sa loob ng ilang taon.. ung unang pag-upo ko.. napaisip ako kung papano ko itatago ang bag ko.. bka sitahin ako.. ayaw kong mawalay sakin un.. dahil pag nakita ako.. tugsh!!

amboring ng mga sinasabi ng mga spikers.. nakakaantok. paulet-ulet lang.. parang nung nag gradweyt ako nung grade 6.. ayun din sinabi nila.. may kasama pang pagpapataas ng kasikatan.. para lang maboto sa susunod... yakkk.. ambabaw talaga ng mga tao.. buti nalang dala ko ang bag ko.. sa loob nun may chewing gum ako na lime mint.. lotte xylitul..

panahon ko na para angkinin ang aking diploma.. "dean michael n. ramos" sambit ni ms. carmona... haha.. ang hirit sakin ni mrs. de sagun.. "parang di mo pa feel ang graduation... mukhang nakalimutan mo na wala ka na sa skul... gagradweyt ka na" haha... napaisip tuloy ako.. ang paepal ko nun.. tapos biglang harap sa mga tao.. pagbaba tinatawag ako ng mga teachers.. narinig ko pa ang nakakatakot na boses ni mam hilario.."ano ba yan? may bag pang dala" di ko sila pinansin.. di lang nila alam kung gaano kaimportante ang itim na bag.. bahagi na ng uniform ko un..

pagkatapos nung grad.. wala lang.. kulitan lang.. pasalamat sa mga tao.. saka konting picture taking.. di naman lahat ng tao ay naging masaya.. bsta may mga pasaway... pero okei lang un.. kung walang pasaway di ako mapapangiti..

di ko masyadong nakita sinta ko.. at unang beses kong nakita ang nanay nya.. ksma ang kapatid nyang napaso ang hart ng mainit na milo.. waah... sa mga panahong yun.. isang pagkakataon na lang.. wag sayangin ang grad ball... biglang may nangyaring kakaiba.. nilapitan ako ni jeni at binigyan ako ng dalawang sulat.. mukhang mahaba dahil makapal.. parang nasambit nya ang katagang 'corny".. andaming naglaro sa isip ko.. di ko naman naisip na corny yun ha.. namis ko rin sya... at ang sulat ang muling paguusap namin..

ngaun alam ko na.. mali na itinatak ko sa kanya ang mga bagay na yun.. di naman talga corny eh.. ay mamais pala.. sineryoso nya ang lahat ng bagay.. dapat dati ko pa nilimitahan ang pagiisa ng katotohanan sa biro..

& PROFILE

dean michael ramos
2nd year bs architecture
up diliman

& LOVES
o1. james
o2. aleth
o3. anna
o4. dani
o5. avir
o6. kimie
o7. jeni dos
o8. nay pen uno
o9. pen
1o. diyosa imma
11. katrina


& SPEAK




& ARCHIVES

April 2005
May 2005
June 2005
July 2005
August 2005
September 2005
October 2005
November 2005
December 2005
January 2006
February 2006
March 2006
October 2006
November 2006
December 2006


& RESOURCES

layout: +
fonts: +
brushes: + +
image: +
multiply: +