Saturday, February 25, 2006 @7:33 AM
balik-tanaw...nakakainggit yung mga kakatapos lang magprom sa kisay... sana may prom ulet... prom 3... kahit 2.5 lang... nung third year kasi na prom ay punong-puno ng pagsisi.... bakit nga ba?? basta andaming gustong gawin na napurnada... kasi bata pa ako... at di pa fully-developed ang kakapalan ng mukha.. kasi confident na may next year pa... kaso iba na ang ihip ng hangin... hehe... kaya naman natutunan ko nyan...
wag ipagpabukas ang pwedeng gawin ngayon...tama naman diba? ang hirap kasi pag may mga bagay kang pinagsisihan... para silang mga multo na akyat-panaog sa hagdan... bumabalik sa gunita sa mga panahong walang ibang bagay na naglalaro sa isip mo...
katuwang ng mga saloobing nabanggit na... marapat lamang na gawin na ang major plate na final plate...ang target ko kasi ay maging bahagi ng exhibit sa march06... kaya ko to... lima lang ang pipiliin... pag nakasama ako punta kayong arki building ha??
bilang pangwakas sabay sabay nalang nating awitin ang lunes ng join the club....
Lunes
Unang araw, kay bilis ng galaw
may kalaliman na patungo sa pag-ayaw
na kalimutan ka kahit pa may iba
at sa muli’y magbabalik sa ‘kin ang lahat
Maaari bang magtanong
dahil labis na rin akong lumalayo
[chorus]
Matatanggap ba akokung magbabalik sa ‘yo
sakit ng sinapit ay please wag ng magtampo
wala man akong nagawa
nung unang ika’y nawala
wala sa hinagap na ako’y mabibigo
wala sa hinagap na ako’y mabibigo
Unang araw, naninibago ka
sa pakiwari ay may katiyakan na
at sa isang iglap mayroong magaganap
at sa muli magbabalik sa ‘kin ang lahat
Maaari bang magtanong
dahil labis na rin akong lumalayo
Matatanggap ba akokung magbabalik sa ‘yo
sakit ng sinapit ay please wag ng magtampo
wala man akong nagawa
nung unang ika’y nawalawala sa hinagap na ako’y mabibigo
wala sa hinagap na ako’y mabibigo
Wag kang magtakapinilit kong magtanong
basta sapat na ang nalaman mo na ako ay narito
wag kang magtaka...
wag kang magtaka...
wag kang magtaka...
wag kang magtaka...
Maaari bang magtanong
dahil labis na rin akong luma….layo
Matatanggap ba ako
kung magbabalik sa ‘yo
sakit ng sinapit ay please wag ng magtampo
wala man akong nagawa
nung unang ika’y nawala
wala sa hinagap na ako’y mabibigo
wala sa hinagap na ako’y mabibigo...
wala sa hinagap na ako’y mabibigo.
--tsk yakapin na ang mga gustong yakapin pag binigyan ng pagkakataon... baka bukas makalawa... tsk--