Saturday, November 25, 2006 @4:42 PM
semiotics...lahat ng gabi masaya... mabagal man ito mabilis... kahit napaka-dull nito... laging may chance for a spectacle... kahit maulap sumisilip parin ang iilan bituin... lahat ng gabi mabagal... pag masaya ka ayaw mo ng matapos ang gabi... pag malungkot ka naman kahit gusto mo ng tapusin ang araw sinasadya ng kapalaran na pagmukhaing mahaba pa ang gugugulin mo sa pagkakamot ng ulo at pagkunot ng noo... maipit ka man sa pagitan ng lungkot at saya ganun pa rin... di ka kasi komportable kaya di ka makatulog... hindi lang ang pisikal na mundo ang lumalaki dahil sa pagasinta ng mga shooting stars sa earth na kung saan ang mga fragments nito ay humahalo na sa lupa... ang daanan mismo ng oras humahaba... minsan pag umatend ka ng debut nagflashback na lahat ng mga alaala mo bago pa man maihanda ang kakainin mo... hindi natin masabi ang hangganan pag oras na ang pinaguusapan... di katulad ng lamesa na nasusukat mo.... ang height ng tao... ang volume ng curve na nirorotate mo sa x and y axis... ang area ng parallelogram... ang oras di mo masabi... pag gumising ako ng alas-otso ng umaga pagdating ng alas-dose ng madaling araw kinabukasan na yun... pero kung di pa ako matutulog tapos na ba ang oras ko? hindi pa naman... kahit nga matulog pa ako tumatakbo pa rin sya... kahit magunaw ang mundo dahil sa isang supernova explosion na di pa naman siguro mangyayari pwera na lang kung danasin ito ng alpha centauri... tatakbo pa rin ang oras... wala syang hangganan... ang ikli kasi ng buhay ng tao... maaabutan ko pa kaya iyon? pero mabuti na rin na maikli ang mga buhay natin... dahil kung sakaling nabubuhay tayo ng hanggang sanlibong taon... gaano karaming tao ang sasaktan mo? ilang kasalanan ang magagawa mo? gaano karaming patawad ang hihingiin mo? kapag iniwan ka ng taong mahal mo at nagpunta na siya sa ibang star... pagbalik nila rito matapos ang daan-daang taon... di mo na siya makikilala... ang maiitim na karagatan hinugasan na ang kanilang mga mukha sa bahid ng pag-ibig, mawawala na ang takot... kawalan... ng pagkakilala sa dating mundo...
maghihintay ka pa ba? nakakatakot na... pero sa dami ng signs sigurado na ako... kumplikado man di man maintindihan... ang mahalaga masaya na ako... pano pa kaya sa araw na yun? gusto ko ng sukatin kung gaano katagal pero di nga natutuos ang panahon sa hinaharap... ikaw na ang bukas ko...
sana ang mga ganitong boses... di lang sya magsilbing iyak sa inyo... katahimikan sa inyong pandama...